2,623 total views
Tiniyak ng Caritas Philippines ang patuloy na pagtulong sa mga kabataan upang makapagtapos sa pag-aaral.
Ito ay sa pagpapatuloy ng Alay para sa Karunungan at Alay para sa Community Schooling na programa ng Social Arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na inilunsad noong October 2022 at January 2023.
Ayon kay Bernadette Biagtan ng Team Caritas Philippines, umaabot na sa 537-scholars sa 12-diyosesis sa buong bansa ang kabilang sa Alay para sa Karunungan – Educational Assistance Program na sinusuportahan ang kanilang pag-aaral.
“Nagpapasalamat at muling umaasa sa inyong suporta para sa kinabukasan nila, nang kanilang pamilya at ng ating bansa, sa inyo ihahandog ang kagandahang loob, ang pangarap nilay maipagkakaloob, kayat patuloy na magmalasakit, magbahagi at mag-alay kapwa.” ayon sa mensahe at paanyaya ni Biagtan na suportahan ang scholars ng programa.
Sa bahagi naman ng Alay para sa Community Schooling na nagpaparaal, nagbibigay ng pagsasanay at karanasan para sa mga out of school youths kung saan umaabot na sa 95 Junior at Senior High School Students ang bahagi ng programa.
Sinabi ni Benjamin Custodio ng Team Caritas Philippines na naging posible ang paglulunsad ng programa sa tulong ng Diocese of Novaliches at mga katuwang na pribadong kompanya o mga institusyon ng simbahan.
“The Alay Kapwa Community Schooling is a program of Caritas Philippines in partnership with Unilab foundation, Center for Integrated Stem, Diocese of Novaliches and Magna Anima Teachers college, our main goal is to provide education, employment and skills training to our out of school youth, we aim to give them a better future with this program.” bahagi ng mensahe ni Custodio.
Sa datos ng Philippines Statistics Authority, isa sa kada sampung kabataan o mahigit 39-milyong kabataan na nasa edad 6 hanggang 24-taong gulang ang kabilang sa mga Out of School Youths ng dahil sa kahirapan, kawalan ng suporta at iba pang dahilan na nakakaapekto sa kanilang pag-aaral.