7,303 total views
Ipinarating ni Senator Imee Marcos – Chairwoman ng Senate Committee on the Cooperatives ang pagbati at pakikiisa sa mga church-based cooperatives at kooperatiba ng Pilipinas.
Ito ang tiniyak ng Mambabatas sa taunang paggunita ng National Cooperative Months na kinikilala at higit na pinapaunlad ang mga kooperatiba sa lipunan.
Inihayag ni Senator Marcos ang suporta kay Fr.Anton CT Pascual – Chairman ng Union of Metro Manila Cooperatives at Minister ng Ministry on Cooperatives and Social Enterprise.
Ito ay upang mapalakas ang mga church based cooperatives at mga miyembro nito tungo sa pinagsama-samang pagunlad.
“Palawigin natin ang ating mga Coop at pinagdiriwang natin ang ating Coop Month congratulations most of all to the Successful Perpetual Help Bilyonaryo Coopof Fr.Anton which continues to be benchmark of all Coops sana gumaya pa ang ibang Coop sa Coop ng simbahan ng Caritas at sigurado ako talagang mamamayagpag at magiging maunlad ang kooperatibismo dito sa Pilipinas, mabuhay ang mga Coop!,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Senator Marcos.
Kasabay naman ng pagpapasalamat ay ipinaparating din ni Fr.Pascual ang pagbati sa mga kooperatiba ng Pilipinas na ayon sa Pari ay nagsisilbing pamamagitan ng mga miyembro nito tungo sa pagpapabuti sa estado ng kanilang buhay.
Ito ay dahil nagiging mabisang pagpaparami ng yaman ng isang indibidwal higit na ng mga mahihirap na miyembro ang pagiging kasapi ng kooperatiba dahil sa pamamagitan ng pinagsama-samang yaman ng mga miyembro ay napapalago ito na magagamit tungo sa pagpapaunlad ng kanilang buhay.
“We create wealth sa community, inclusive, sustainable, pagnenegosyo at pagkakaisa ng ating diwa, Nawa ay suportahan po nating lalung-lalu na yung mga kooperatiba ng simbahan sa buong Pilipinas para tunay na magkaroon tayo ng integral development, spiritual and material integration sa pamamagitan ng Cooperatives principles and practices,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Pascual.
Ngayong Oktubre, itinalaga ng Cooperative Development Authority ang paggunita sa National Cooperative Month sa temang “Stronger Together for a Brighter Tomorrow”.