368 total views
Nagpahayag ng suporta ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas sa layunin ng community pantries. Ayon kay LAIKO President Rouquel Ponte, isang naaangkop at maka-Kristiyanong pagtugon sa mga nangangailangan ngayong pandemya ang ipinapamalas ng mga community pantry.
Hinahangaan ni Ponte ang pagkakaisa ng mga may mabubuting puso para sa kapwa partikular ang mga apektado ng malawakang krisis na dulot ng pandemya.
“This movement initiated by kindhearted individuals with the common objective of helping our countrymen who are most in need but with less capabilities, is unprecedented and unequalled during this crucial times of the pandemic. People with lesser opportunities can somehow hope to survive even for a day, through the overflowing and collective generosity of community residents with much or less to share. Undoubtedly God is inspiring their hearts to. Give us this day our daily bread. (Mt6:11)” pahayag ni Ponte.
Hinikayat naman ni Ponte ang lahat ng mga Archdiocesan/Diocesan Council of the Laity at mga kasaping Church-based National Lay Organizations ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas na suportahan ang inisyatibo ng mga community pantries.
Hiniling din Ponte sa mamamayan na maging mapagbantay sa iba’t ibang banta laban sa mga organizers kabilang na ang red-tagging at isinasagawang profilling ng puwersa ng pamahalaan.
“We encourage all our National Lay Organizations, Archdiocesan/Diocesan Councils of the Laity to extend their unwavering support to these initiatives. Likewise, let us be alert & vigilant that these community undertakings be protected from forces who plan to divide and thwart whatever gains there is to be reaped.” Dagdag pa ni Ponte.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 300 ang mga community pantries sa bansa kung saan ilang mga organizers ang nagpahayag ng pangamba sa kanilang kaligtasan at buhay kasunod ng red-tagging ng NTF-ELCAC at ginagawang profiling ng Philippine National Police.