Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Suporta sa Industriya ng Kape sa Ating Bansa

SHARE THE TRUTH

 813 total views

Kapanalig, ang mahalimuyak at matapang na kape na iyong hinihigop ngayon ay maaring nagmula mismo sa mga taniman ng coffee beans sa ating bansa.

Tumataas ang demand para sa kape ngayon at ang ating bansa ang isa sa ilan sa buong mundo na humaharap sa oportunidad na ito. Ayon sa Department of trade and Industry (DTI), limang rehiyon ang pangunahing nagpo-produce ngayon ng kape sa ating bansa. Ito ay ang SOCCSKSARGEN, Davao, ARMM, CALABARZON, at Northern Mindanao.

Ito, kapanalig, ay maaring muling pagbangon ng coffee industry sa ating bansa. Matatandaan na noong mga 1990s, ang Pilipinas ay pangunahing supplier ng kape. Dati tayo ang pang-apat sa pinaka-malaking exporter ng kape ngunit nagbago ito ng bumaba na ang produksyon ng kape sa ating bansa nuong mga kaligitnaan ng dekada nobenta.

Ang pagtaas ng demand sa kape sa ngayon ay isang oportunidad na hindi dapat palampasin ng sector ng agrikultura sa ating bansa. Kaya lamang, mahirap tugunan ang demand na ito kung walang suporta para sa mga coffee farmers. Marami silang balakid na kailangang harapin. Kabilang na dito ang mababang buying price, makalumang gawi sa produksyon ng kape, mga puno ng kape na ayaw mamunga, pati na ng pag-gamit ng mga taniman para sa iba pang binhi at halaman. Kulang din tayo ng pasilidad para sa produksyon at pag-ani.

Sayang naman, kapanalig, kung hindi natin tutulungan ang coffee industry sa ating bansa. Sa ngayon, meron tayong tinatayang mga 200,000 na manggagawa sa ating coffee industry. Nanganganib ang kanilang kabuhayan kung hindi bibigyang prayoridad ng ating pamahalaan ang industriya na ito.

Kung hahayaan natin ang industriyang ito, mawawala ang ating pagkakataon na makuha ang bentahe ng kape, na pangalawa sa mga inumin na binibili ng mga tao at pangalawa din sa pinakamabentang produkto sa buong mundo.

Kapanalig, kailangan na mayroong magtataya para sa maralita sa ating lipunan. Ang mga manggagawa sa industriya ng kape ay kasama sa hanay ng maralita, mga magsasaka na lalo pang liliit ang aanihin kung walang makukuhang suporta. Ang pamahalaan, bilang tagapagtanggap ng ating buwis at ating kinatawan, ay dapat mabigay kalinga sa sector na ito. Ito ay pagsasa-kongkreto ng katarungan at tunay na pag-ibig sa kapwa Pilipino.

Ang mga kataga mula sa Mater et Magistra ay magsilbing gabay sana sa ating pamahalaan at lipunan: Hindi dapat maging panguhaning pamantayan ng ekonomiya ang interes ng iilang indibidwal o ng organisading grupo. Ang katarungan at pagmamahal ang siyang dapat maging giya ng ating lipunan at ekonomiya.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pagkakaisa, lunas sa pagkakanya-kanya

 7,763 total views

 7,763 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagkakaluklok muli sa puwesto ni US President Donald Trump ang paglagda niya sa isang executive order (o EO) na pansamantalang inihihinto ang lahat ng foreign aid ng Estados Unidos. Layunin ng EO na pag-aralan ang lahat ng foreign aid at siguruhing isinusulong ng mga ito ang interes ng mga

Read More »

Ang online hukuman

 13,158 total views

 13,158 total views Mga Kapanalig, noong katapusan ng Enero, nag-viral ang isang Facebook post kung saan inakusahan ng sexual harassment ang isang driver ng isang TNVS o transportation network vehicle service. Ikinuwento ng nag-post, na isang estudyante, na kinailangan nilang bumabâ ng kapatid niya sa kalagitnaan ng biyahe nila pauwi, dahil sa kalaswaang ginawa diumano ng

Read More »

Pananagutan para sa katarungan

 20,290 total views

 20,290 total views Mga Kapanalig, hinahamon tayo ng Diyos na pairalin ang katarungan sa ating bayan.  Ayon sa Jeremias 22:3, “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala.” Para sa Diyos, ang pananagutan natin sa isa’t isa ang magiging daan upang mabuhay tayo sa katarungan. Isang halimbawa ng paraan natin

Read More »

Pag-uusap, hindi pananakot

 50,517 total views

 50,517 total views Mga Kapanalig, sa pagitan ng mga taóng 2021 at 2022, tumaas ng 35% ang bilang ng mga babaeng edad 15 pababa na nabuntis. Base ito sa datos na nakalap ng NGO na Save the Children. Ang mga taóng ito ang kasagsagan ng pandemya.  Lubhang nakababahala ito.  Hindi handa ang katawan ng isang batang

Read More »

Araw-araw na kalupitan

 50,030 total views

 50,030 total views Mga Kapanalig, noong Disyembre pa nang makunan ang nag-viral na video kamakailan kung saan makikitang hinablot ng security guard ng isang mall ang panindang sampaguita ng isang babae. Tila inambahan pang saktan ng guwardya ang babae nang umalma siya. Napukaw ang interes ng publiko sa nangyaring ito. Inalam ng media at ng DSWD

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkakaisa, lunas sa pagkakanya-kanya

 7,764 total views

 7,764 total views Mga Kapanalig, kasabay ng pagkakaluklok muli sa puwesto ni US President Donald Trump ang paglagda niya sa isang executive order (o EO) na pansamantalang inihihinto ang lahat ng foreign aid ng Estados Unidos. Layunin ng EO na pag-aralan ang lahat ng foreign aid at siguruhing isinusulong ng mga ito ang interes ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang online hukuman

 13,159 total views

 13,159 total views Mga Kapanalig, noong katapusan ng Enero, nag-viral ang isang Facebook post kung saan inakusahan ng sexual harassment ang isang driver ng isang TNVS o transportation network vehicle service. Ikinuwento ng nag-post, na isang estudyante, na kinailangan nilang bumabâ ng kapatid niya sa kalagitnaan ng biyahe nila pauwi, dahil sa kalaswaang ginawa diumano ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan para sa katarungan

 20,291 total views

 20,291 total views Mga Kapanalig, hinahamon tayo ng Diyos na pairalin ang katarungan sa ating bayan.  Ayon sa Jeremias 22:3, “Pairalin ninyo ang katarungan at katuwiran. Ipagtanggol ninyo ang mga naaapi laban sa mapagsamantala.” Para sa Diyos, ang pananagutan natin sa isa’t isa ang magiging daan upang mabuhay tayo sa katarungan. Isang halimbawa ng paraan natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pag-uusap, hindi pananakot

 50,518 total views

 50,518 total views Mga Kapanalig, sa pagitan ng mga taóng 2021 at 2022, tumaas ng 35% ang bilang ng mga babaeng edad 15 pababa na nabuntis. Base ito sa datos na nakalap ng NGO na Save the Children. Ang mga taóng ito ang kasagsagan ng pandemya.  Lubhang nakababahala ito.  Hindi handa ang katawan ng isang batang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Araw-araw na kalupitan

 50,031 total views

 50,031 total views Mga Kapanalig, noong Disyembre pa nang makunan ang nag-viral na video kamakailan kung saan makikitang hinablot ng security guard ng isang mall ang panindang sampaguita ng isang babae. Tila inambahan pang saktan ng guwardya ang babae nang umalma siya. Napukaw ang interes ng publiko sa nangyaring ito. Inalam ng media at ng DSWD

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Huwad na kapayapaan

 56,498 total views

 56,498 total views Mga Kapanalig, sa sulat ni San Pablo sa mga Taga-Roma, sinabi niya, “Ang bawat tao’y dapat pasakop sa mga pinuno ng pamahalaan, sapagkat walang pamahalaang hindi mula sa Diyos, at ang Diyos ang nagtatag ng mga pamahalaang umiiral. Kaya nga, ang lumalaban sa pamahalaan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos.”  Madalas gamitin ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

JOB losses

 51,843 total views

 51,843 total views 5-Milyong Pilipino ang nawawalan ng trabaho ngayong taong 2025. Ito ang babala ng labor group Federation of Free Workers (WWF) dahil sa epekto ng Artificial Intelligence (AI) at climate change sa mga lokal na industriya sa Pilipinas. Sinasabi ng WWF na hindi kayang i-offset ng employment na malilikha ng 2025 midterm national and

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Food Security Emergency

 71,317 total views

 71,317 total views LOGIC… ito ay nangangahulugan ng “reasonable thinking”-tamang pag-iisip…good judgement. Kapanalig, gamitin natin ang “logic” sa nakatakdang pagdeklara ng Department of Agriculture ng “food security emergency” sa Pilipinas na sinusuportahan ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., maging ng National Security Council. Ang katwiran, kailangang magdeklara ng national food security emergency upang ma-decongest at maibenta ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

SSS Management Blunder

 79,017 total views

 79,017 total views Ang problema sa Social Security System, isang state-run social insurance program sa mga manggagawa sa pribado, professional at informal sectors na itinatatag sa pamamagitan ng Republic Act no.1161 o Social Security Act of 1954 na inamyendahan ng RA 8282 of 1997 at Security Security Act of 2018. Kapanalig, ngayong taong 2025 ay ipapatupad

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kinse kilometro

 84,629 total views

 84,629 total views Mga Kapanalig, nagsampa ng kaso ang Mercidar Fishing Corporation noong 2023 sa Malabon Regional Trial Court (o RTC) para kuwestuyinin ang pagiging constitutional o sang-ayon sa ating Saligang Batas ang paglalaan ng municipal waters sa mga munisipal at artisanong mangingisda. Hiningi ng korporasyong pahintulutan ang mga commercial fishers na makapangisda sa municipal waters. 

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahalagahan ng fact-checking

 90,719 total views

 90,719 total views Mga Kapanalig, simula ngayong buwan, ititigil na raw ng social media app na Facebook ang kanilang third-party fact-checking program sa Amerika. Ito ang inanunsyo ni Mark Zuckerberg, founder ng Facebook at CEO ng Meta Platforms. Dámay din sa pagbabagong ito ang Instagram at Threads, mga social media apps na hawak din ng Meta.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pandaigdigang kapayapaan

 97,662 total views

 97,662 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diabolical Proposal

 49,399 total views

 49,399 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasayang Ng Pera

 57,112 total views

 57,112 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Education Crisis

 49,990 total views

 49,990 total views Kapanalig, nasa krisis ang edukasyon sa ating bayan. Napakarami ang mga hamon na kailangang harapin sa sektor. Napakatagal ng isyu ito, ang patuloy na pagpapabaya sa problemang kinakaharap ng sektor ng edukasyon ay lalong nagpapahirap sa mga maralita. Ito ay nagpapakita ng ating pagkukulang sa lipunan. Bilang mga magulang.. pangarap at obligasyon mo

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top