14,770 total views
Magpapatuloy ang suporta ng Stella Maris Philippines sa mga mandaragat.
Ito ang mensahe ng grupo sq paggunita ng International Day of the Seafarers tuwing June 25.
Ayon kay Stella Maris National Coordinator Orley Badilla, ito ay sa pamamagitan pakikipag-ugnayan sa mga Seafarers na umaalis at bumabalik ng Pilipinas para magtrabaho sa ibang bansa.
“Kaya kami sa Stella Maris, kasi jan sa mga agencies dyan sa Luneta area nandyan tayo, nandyan ang Stella Maris, andyan ung mga staff natin nagbibigay ng values formation with a leadership of Fr. Paolo, nandyan even mga legal matters andyan nagbibigay even Atty.Dennis, so nagbibigay kami dyan. Kaya sinasabi natin ma-provincialized lang lahat ng mga agencies na ito na involve sa sector na ito, at itong mga international manning agencies sana meron na rin sa local kasi pati itong mga training agencies center ma-localized din,” panayam kay Badilla sa programang Baranggay Simbayanan.
Tiniyak din ng Opisyal ang pakikiramay at pagsuporta sa pamilya ng mga mandaragat na masasawi o maaksidente habang nasa trabaho.
“Like for example after the pandemic yung nalunod na barko halos naubos ung buong crew, isa/ dalawa lang ang nabuhay noon, ang atin pong mahal na Santo Papa talagang pinaabot talaga nya ung tulong at tayong sa Stella Maria Philippines, kasi karamihan sa mga crew nun is mga Pilipino, kami sa Stella Maris Ph ang pumunta talaga dun.ang Stella Maris, ang Vatican handa ding tumulong, actually, kakatapos lang din ng meeting namin last three days ago with our partner in Stella Maris in UK, pag may ganun mga sitwasyon handa din silang tumulong sa pamilya, in terms of mabigyan sila ng madaliang tulong, para din sa kanilang mga anak, ang Stella Maris nandun din umaalalay din sa kanila,” ayon pa sa panayam kay Badilla.
Sa tala ng pamahalaan umaabot sa mahigit sa mahigit 600-libo ang bilang ng mga Pilipinong seafarers na nasa ibat-ibang bahagi ng mundo, mayorya ito ng bilang ng iba pang mandaragat na ngayong 2024 ay higit na sa 1.8-million.