913 total views
Nagpahayag ng pakikiisa ang Diocese of San Carlos sa pananawagan at pag-apela sa mga banko na tuluyan ng binatawan ang kanilang suporta sa mga kumpanyang nagsusulong ng coal-fired power plants na lubhang nakasisira sa kalikasan.
Ito ang bahagi ng mensahe ni San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kaugnay sa paggunita ng Earth Day 2021 ngayong araw.
Ayon sa Obispo, kaisa ng iba pang makakalikasang grupo sa buong daigdig ang Diyosesis ng San Carlos sa pananawagan para sa pangangalaga ng kalikasan at pagwawaksi sa mga mapanirang industriya.
Hinamon ng Obispo ang mga opisyal ng bangko sa nakatakdang annual shareholder’s meetings ng local banks sa bansa na bumuo ng mga bagong paraan at polisiya upang maging coal-free at gamitin ang kanilang financial resources sa pagsuporta at pagpapalago ng industriya ng renewable energy sa bansa.
“We from Diocese of San Carlos join the rest of the world this #EarthDay by calling on our banks to #WithdrawFromCoal. We challenge them to bring this up during their annual shareholder’s meetings, come up with clear public policies to turn their portfolio coal-free, and use their financial resources to support clean and affordable renewable energy.”pahayag ni Bishop Alminaza.
Ipinaliwanag ni Bishop Alminaza, kasabay ng paggunita ng Earth Day 2021 ang pagsisimula rin ng annual shareholders’ meeting season ng local banks sa bansa na isang magandang pagkakataon upang maipaalala ang climate emergency at kanilang mahalagang papel na maprotektahan ang kalikasan.
“Today, April 22, 2021, marks both Earth Day 2021 and the start of annual shareholders’ meeting season of our local banks, beginning with BPI. We are reminded of the pressing need to address the climate emergency and the role our banks play in funding a major driver of climate change: coal. These 15 Philippine banks are contributing to our reliance on this deadly, costly, and destructive energy source by channeling billions of dollars into coal developers and projects around the country. ” Dagdag pa ni Bishop Alminaza.
Kabilang sa 15 mga lokal na bangko na tinutukoy ng Bishop Alminaza at ng iba pang mga makakalikasang grupo ay ang BPI, BDO, Unibank, Metrobank, Securitybank, Asia United Bank, RCBC, UCPB, PNB – Philippine National Bank, Landbank Plaza, EastWest Bank, UnionBank of the Philippines, PBCOM, Development Bank of the Philippines, at Bank of Commerce China Bank PH.
Tema ng Earth Day 2021 ngayong taon ang “Restore Our Earth” na layong sulong ang agarang pagtugon sa climate emergency.