513 total views
Ipinabatid ni Dr. Carlos Manapat, chairman ng University of Santo Tomas Department of Economics na maaring maging ang pananakop ng Russia sa Ukraine sa kakulangan sa suplay ng trigo sa Pilipinas.
Ayon sa naunang pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) hindi mararamdaman ng Pilipinas ang agad na epekto ng digmaan dahil hindi pangunahing trading partner ng bansa ang Ukraine.
Inihayag ni Dr.Manapat na ang pahayag ng DTI ay bunsod ng sapat na imbak ng suplay ng trigo sa bansa na maari ding magdulot ng pagtaas ng inflation rate dahil isa ang tinapay sa mga pangunahing bilihin sa bansa.
“I think DTI right now is saying it has a minimal effect because of the stocks that we have, and we are also importing wheat from other countries when we run out of stocks, and if the war continues, then that’s a problem,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Dr. Manapat.
Ipinaliwanag rin ng eksperto na ang isa sa mga dahilan sa pag-taas naman ng presyo ng mga produktong petrolyo ay una ng nararanasan dahil sa labis na pag-iimbak o ‘stockpiling’ ng iba’t ibang bansa bago pa man maganap ang digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ipinaliwanag ni Dr. Manapat na bukod sa banta ng digmaan ay una ng nangamba ang mga iba’t i bang bansa sa pag-taas ng oil products.
“Many countries are speculating that prices of fuel will increase because of the war that is why they are stockpiling. Most are also opening their economies, and if supply is not increasing, then the net effect is an increase in price,” ayon kay Dr. Manapat.
Unang nanawagan ng sama-samang pananalangin ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) upang pigilan ang paglala ng tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine.