1,985 total views
Ipinawalang bisa ng Federation of Asian Bishops Conferences (FABC) ang suspensyon sa operasyon ng Radio Veritas Asia (RVA) sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng isang liham ay opisyal na inihayag ni FABC President Cardinal Charles Bo ang pagpapawalang bisa sa nauna ng suspensyon sa operasyon ng Radio Veritas Asia sa Pilipinas.
Ayon sa Cardinal, mahalagang maipagpatuloy ng Radio Veritas Asia ang misyon nito na pagpapahayag ng Mabuting Balita ng Diyos sa Asya at mga karating lugar.
Nilinaw naman ni Cardinal Bo na nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang pagsusuri ng binuong Committee of Bishops ng FABC na naglalayong makapagbuo ng isang komprehensibong ulat at rekomendasyon sa mga dapat na tutukan at isaayos sa paraan ng operasyon ng Radio Veritas Asia sa Pilipinas.
Matatandaang pansamantalang sinuspendi ng Federation of Asian Bishops Conferences (FABC) ang operasyon ng Radio Veritas Asia sa Pilipinas noong March 29, 2023 upang makapagsagawa ng pagsusuri sa operasyon ng Church-run continental media network sa Pilipinas.