27,538 total views
‘Buong kawan ay tinatawagan sa pagmimisyon’.
Ito ang pinakalayunin ng Synod ayon sa pagninilay ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David-ang pangulo ng Catholic Bishop’s Conference of the Philippines (CBCP).
Sa pagpapatuloy ng isinagawang 16th Ordinary General Assembly of the Synod on Synodality sa Vatican, binigyan diin ni Bishop David na siya ring kinatawan ng Asya sa Commission on Information- na isa sa mahalagang pangyayari sa kasalukuyang sinodo ang pagkakaroon ng round table discussion.
“And so, when I came to this Synod, I was pleasantly surprised to find round tables when we were all equal. And I think this particular synod is insistent on that… our equality in dignity no matter if you are a cardinal or archbishop or whoever we are all basically a community of disciples. Equal in baptism and I think this synod is conscious that before we insist on the differentiation of ministries, we have to emphasize first our equality and dignity as fellow baptized,” ayon kay Bishop David.
Ayon sa obispo ang bawat isang kasapi sa sinodo ay magkakapantay at nabibigyang pagkakataon upang magpahayag at mapakinggan ang kalagayan ng simbahan sa kani-kanilang bansa.
Kabilang sa tinalakay ni Bishop David sa ginanap na press briefing ang ginagampanan ng simbahan sa Pilipinas upang mahikayat ang mga mananampalataya lalo na ang mga layko tungo sa pagmimisyon at ebanghelisasyon.
‘We are asking ourselves if we have done our part in empowering them for mission and I think that has been very prominent in this module about co-responsibility in mission because normally when we speak about mission, we think about missionary congregation, religious people sent abroad for a mission but now we are realizing that the whole church is called to mission and that is really the objective of this synod,” ayon pa kay Bishop David.
Binanggit din ng obispo ang malaking bahagi ng mga Filipino sa iba’t ibang bansa bilang misyonero ng pananampalatayang Kristiyano.
Ayon kay Bishop David ang mga Overseas Filipino Worker (OFW) ay nagiging bahagi ng iba’t ibang bansa sa nagpapasigla sa mga simbahan lalo na sa mga lugar na kakaunti ang mga kristiyano at mga bansang kakaunti na lamang ang mga nagsisimba.
Ayon pa sa obispo, may 15 porsyento sa kabuuang populasyon ng mga Filipino ay matatagpuan sa iba’t ibang bahagi ng mundo kabilang na ang mga OFW.