435 total views
Kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) ang ibinigay na wage hike ng Taiwan government sa mga Migrant Caregivers at Domestic Helpers.
Ayon kay Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, vice chairman ng CBCP-ECMI,ang hakbang ay pagkilala ng Taiwan sa magandang serbisyo ng mga migrant workers lalu na ang mga Overseas Filipino Worker.
“This is indeed a good news, caring and kind gestures of the Taiwan government. With salary increase, we see how they value and appreciate the selfless services and exemplary works of our OFWs. We are grateful for the concern and compassion of the Taiwan government,” mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Umaasa din si Bishop Santos na magbibigay inspirasyon ang insentibo sa mga O-F-W upang higit pang pagbutihin ang kanilang trabaho.
Sinabi ng Obispo na higit ring patitibayin ng hakbang ang katatagan ng mga O-F-W na nahiwalay sa kanilang pamilya at mahal sa buhay.
“Following this praise worthy gestures of Taiwan, let us be more proactive and more efficient to promote the welfare of OFWs and to protect their rights.”papuri ni Bishop Santos
Ipinangako din ni Bishop Santos ang patuloy na pananalangin at pag-aalay ng misa para sa ikabubuti ng mga O-F-W at Filipino Migrants sa buong daigdig.
“As always we offer our Holy Masses and pray of the safety, sound health and successes of our OFWs in their endeavours,”pangako ni Bishop Santos
August 10 ng ipatupad ang bagong polisiya sa Taiwan kung saan mula sa karaniwang 17-thousand New Taiwan Dollars (NTD) o mahigit 31-libong piso, ay aabot na ngayon ng hanggang 20-thousand NTD o 37-libong piso ang buwanang suweldo ng mga Migrant Domestic Helpers at Caregivers sa Taiwan.
Ayon sa datos ng pamahalaan, aabot sa 148-libong Pilipino ang nasa Taiwan kung saan 26-libo ang mga Migrant Domestic helpers at Caregivers.(JM)
Una ng kinilala ng CBCP-ECMI ang patuloy na pagiging matatag ng remittances ng mga Pilipino na nasa ibat-ibang bahagi ng daigdig na malaking tulong sa ekonomiya ng Pilipinas.