202 total views
Labis pa rin ang pasasalamat ang mga biktima ng Bagyong Yolanda partikular na ang mga taga Leyte at Samar sa Simbahang Katolika dahil sa naitulong nito sa kanilang pagbangon.
Ayon kay Rev. Fr. Emerson Luego, Social Action Director ng Diocese of Tagum at officer-in-charge ng Caritas Visayas and Mindanao Operation, labis ng napapakinabangan ngayon ang 3-1 chapels na naipagawa lalo na ng Caritas Manila na umaabot sa 74.
Pahayag ng pari, nagagamit sa mga Misa at iba pang spiritual activities ang mga chapel, maliban pa sa mga seminars at trainings at noong nakaraang Bagyong Rubie, nagamit ang mga ito bilang evacuation centers.
“Three years after , tulong ng Simbahan makikita natin ang mga tao doon labis pa ring nagpapasalamat the other lang noong Birthday ko, maraming taga Leyte nag-tweet sa akin at nagpapasalamat sa tulong na ibinigay ng Caritas Manila lalo na sa yung chapel na ginawa yung mga model na 3-1 chapel, napakalaking tulong nito lalo na doon ginaganap ang mga Misa at iba pang sakramento, ginagawang venue sa training sa livelihood program na bigay ng gobyerno at iba pang organisasyon then pangatlo after Yolanda may mga kasunod na bagyo like Typhoon Rubie, ginamit din itong evacuation centers so ramdam mo talaga ang tuwa dahil nagbibigay sa kanila ito ng lakas ng loob lalo na kapag may sakuna, Sa data natin 74 chapels sa Leyte at Samar, yung iba under repair pero karamihan binago natin para sa 3-1 model,” pahayag ni Fr. Luego sa panayam ng Radyo Veritas.
Sa pananalasa ng Bagyong Yolanda noong Nobyembre a-8 ng 2013, halos 7,000 ang nasawi at 16 na milyong indibidwal ang naapektuhan habang bilyong-bilyong pisong halaga ng ari-arian ang napinsala.