5,861 total views
Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Taguig na kabilang ang mga mag-aaral mula sa 10 Embo barangays sa mga benepisyaryo ng scholarship ng lungsod.
Ito ay ang Lifeline Assistance for Neighbors In-need (LANI) Scholarship Program kung saan nakatatanggap ang mga mag-aaral ng P15,000 hanggang P50,000 kada taon.
Ang programa ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano ay para sa mga high school graduates na nais na mag-aaral sa kolehiyo.
“The city will be offering scholarships not only to Senior High School graduates but to all qualified residents of the city’s 10 new barangays.” ayon pa sa alkalde.
Tiniyak naman ni Cayetano na handa na ang 14 na paaralan ng Embo sa pagbubukas ng klase sa August 29.
Pinangunahan din ng alkalde ang pamamahagi ng school package para sa mga mag-aaral kabilang na ang bag, daily at PE uniforms, medyas, black shoes, rubber shoes at kumpletong set ng basic school supplies.
Ang school package ay para sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan mula sa kinder hanggang sa high school.
“More than the material things na itu-turn over, ang presence po natin ngayon ay testament sa kahandaan nating lahat to really support our learners, to really support their dreams and aspirations in life, and to do our best to show them that we are ready to cooperate. Handa tayong magkaisa kapag ang pinag-usapan ay ang kanilang future.” ayon pa kay Mayor Cayetano.
Ang Embo ay ang mga barangay na dating pinangangasiwaan ng lunsod ng Makati na sa kasalukuyan ay nasasakop na ng Taguig sa bisa ng kautusan ng Korte Suprema.
Ang “Enlisted Mens Barangay ay kinabibilangan ng Cembo, Comembo, Pembo,East Rembo, West Rembo, South Cembo, Pitogo, Post Proper Northside, Post Proper Southside at Rizal.