9,663 total views

Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35

Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit kubo kung nakatira ay tao, kaysa bahay na bato pero ang nakatira ay kuwago.” Baka mansion nga ang bahay pero para namang mga kuwago sa isa’t isa ang nakatira, hindi tao. Mga kuwagong sa dilim nakakakita, pero sa liwanag walang nakikita. Paano nga ba naman mabubuo ang isang tahanan kung ang magkakasambahay parang tau-tauhan ang trato sa isa’t isa—mulat sa dilim, bulag sa liwanag?

Sa Ingles sinasabi rin nila ito: not every house is a home. Kaya siguro ang dating salitang “housekeeper” pinalitan na nila ng “homemaker”. Paano ba magtayo—hindi lang ng bahay kundi ng tahanan? How do you build a home? May kasabihan din sa Ingles na parang sumasagot sa tanong na ito: “Home is where the heart is.” Kung saan naroon ang puso, nabubuo ang isang tahanan. Narinig natin sa ating second reading: Dumadaan lang daw tayo dito sa mundo. Na kahit busy tayo sa pagtatayo ng ating mga makalupang tahanan, alam nating lilipas din ang mga ito. Na mayroon tayong tinutungo na mas higit pang tahanan na hindi mawawasak, isang tahanan daw na Diyos ang may gawa. Anong tahanan ang tinutukoy?

Kung totoo na ang mga makalupa nating tahanan ay nabubuo kapag naroon ang ating mga puso, ang makalangit na tahanan natin ay nagkakatotoo kapag naghahari sa ating mga puso ang Sagradong Puso ni Hesus. If home is where the heart it, Church is where the Sacred Heart is. Iugnay nating lagi ang Sacred Heart sa “homemaking”, building an eternal home. Hindi tayo ang magtatayo nito, kundi ang Diyos mismo sa pamamagitan ng Espiritu Santong nagbubuklod sa atin bilang mas malaking pamilya, ang Espiritu Santong nagpapatibok sa Sagradong Puso ni Hesus sa mga kalooban natin, ang Espiritung magpapakilala sa Diyos bilang ating Ama at sa bawat kapwa bilang kapatid.

Ano ang mga palatandaan na unti-unti nang nabubuo ng Panginoon ang tahanan niya sa piling natin? Kapag nakakapintig na ng Sagradong Puso ang mga puso natin. Kabaligtaran ang narinig natin sa kuwento ng unang pagbasa—tungkol sa taong dati daw na kasama ng Diyos na naglalakad sa paraiso, ngunit ngayo’y lumalayo, nagtatago. Ni hindi mapanindigan ang kanilang mga pagkakamali—nagdadahilan, naghahanap ng masusumbatan. Ang kasalanan ni Adan ay ipinaratang kay Eba; at si Eba naman sa ahas. Sa ganyang paraan nawawasak ang tahanan. Kapag walang kababaang-loob na umamin sa pagkakasala at magpuno sa pagkukulang ng isa’t isa.

Sa ebanghelyo, ito rin ang babala ni Hesus sa mga nagpaparatang na kampon daw siya ng dimonyo at nagpapalayas ng dimonyo sa kapangyarihan din ng dimonyo. Kahit kaharian ng dimonyo ay babagsak kung sila mismo ay hindi magkaisa, ang sabi niya. Kailangan din ng dimonyo na magkaisa para manira, kung paanong pinagkakaisa tayo ng Espiritu Santo para magtayo at magbuo. Pero sayang kung Espiritu Santo na ang kumikilos, dimonyo pa rin ang inyong nakikita, ang sabi niya. Parang mga kuwagong dilat ngunit bulag sa liwanag. Talagang walang patutunguhan ang ganyan kundi pagkawasak.
Kaya natutuwa ako na ginawa ninyong okasyon ang kapistahang ito ng Sagradong Puso dito sa Tugatog para sa paglulunsad ng inyong reformulated Vision and Mission bilang isang parish community. Akmang-akma sa tema ng sinasabi kong “If home is where the heart is, Church is where the Sacred Heart is.” Napakasimple ng formulation ng inyong Vision, pero swak na swak, ika nga. “Isang sambayanan ng mga kamanlalakbay ng Mahal na Puso ni Hesus na ganap na pinaghaharian ng Espiritu ng Ama, kasama ng Mahal na Ina (sa titulong Birhen ng Medalya MIlagrosa).”

Sa inyong pagbubuo sa parokya bilang communion of communities, nawa’y maranasan ninyong nabubuo unti-unti ang Tahanan ng Diyos habang nakakapintig na ng inyong mga Puso ang Mahal na Puso ni Hesus, upang matutong makibuklod sa bawat kapwa bilang kasambahay, bilang kapatid at kapamilyang tumutuklas at tumutupad sa kalooban ng Diyos.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 7,825 total views

 7,825 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 11,804 total views

 11,804 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 22,696 total views

 22,696 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 35,138 total views

 35,138 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 45,905 total views

 45,905 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 884 total views

 884 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 1,407 total views

 1,407 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 2,906 total views

 2,906 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 3,750 total views

 3,750 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 2,005 total views

 2,005 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 6,218 total views

 6,218 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 5,451 total views

 5,451 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 3,111 total views

 3,111 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 3,115 total views

 3,115 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 3,116 total views

 3,116 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 3,108 total views

 3,108 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IBIG KO PO SANANG MAKAKITA

 3,108 total views

 3,108 total views IBIG KO PO SANANG MAKAKITA Homiliya para sa Huwebes sa Ikawalong Linggo ng Karaniwang Panahon, a-30 ng Mayo 2024, Markos 10:46-52 Tutukan natin ng pagninilay ang tungkol sa halaga ng PAKIKIRAMDAM bilang bilang simula ng pagiging alagad. Husay sa PAKIKIRAMDAM ang translation ko ng ATTENTIVENESS. Nasabi ko na minsan sa inyo na sa

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GIOVANNI BATTISTA MONTINI

 3,108 total views

 3,108 total views Homily on the Memorial of St. Pope Paul VI, 29 May 2024, Mk 10:32-45 Today we celebrate the memorial of the Pope who completed and closed the Second Vatican Council which had been opened by St. Pope John XXIII in 1962. He was actually already part of the special commission formed by Pope

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

INAMPON

 4,547 total views

 4,547 total views Homiliya para sa Holy Trinity Sunday, 26 Mayo 2024, Mat 28:16-20 Sa araw na ito ng Kapistahan ng Banal na Santatlo, tutukan natin ng pagninilay, hindi ang misteryo ng Santatlo, kundi ang epekto nito sa atin, ayon kay San Pablo: ANG DIWA NG PAGIGING AMPON NG DIYOS AT TAGAPAGMANA NG KANYANG KAHARIAN. Pag-ampon

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

YES OR NO?

 4,042 total views

 4,042 total views Homily for Friday of the 7th Wk in Ordinary Time, 24 May 2024, Mk 10:1-12 Today’s Gospel is bound to go viral again in the social media because it is about a hot issue that is presently being debated and has already undergone a third reading and voting by our legislators in the

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top