4,313 total views
Maituturing na kawalan ng demokrasya ang takot na nararansan ng mga Filipino na maging biktima ng extra-judicial killing sa bansa.
Ayon kay Malaybalay Bishop Jose Cabantan, nakakabahala na maraming Filipino ang nagsasabing sila ay natatakot na maging biktima ng EJK dahil sa war on drugs ng pamahalaan.
Inihayag ng Obispo na nabubuo na ang climate of fear lalo na sa mahihirap na pamilya na nagiging biktima ng EJK.
“I am not an analyst but my own personal opinion is that the two contradicting data will speak for itself how truly free are the citizens in a democratic space where at the same time there is a climate of fear specially among the poor families who suffered the consequence of the killings in the country. Some feared for their lives and some feared to bullied in public.”pahayag ni Bishop Cabantan.
Tinukoy ng Obispo ang contradicting survey ng Social Weather Stations na 86-porsiyento ng mga Filipino ang kuntento sa demokrasya mayroon sa Pilipinas sa ilalim ng Duterte administration subalit 76-porsiyento naman ang nagsasabing natatakot at nangangamba na maging biktim din ng extra-judicial killing.