202 total views
Dismayado ang Partido Manggagawa sa naging ‘One-on-one’ interview sa pagitan ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte at Chief Presidential Counsel Salvador Panelo sa Malacañang.
Ayon kay Renato Magtubo–National Chairperson of Partido Manggagawa, nagmistulang ‘Talk show’ ang pakikipagnayaman na ang naging Sentro ay pagbatikos ng Pangulo sa kalaban nitong si Senator Antonio Trillanes IV.
Ito ay sa halip na bigyang tuon ang mga suliraning panlipunan tulad ng pagtaas ng inflation rate sa bansa.
Giit ni Magtubo, hindi natugunan ng Pangulo sa panayam ang mga pangamba ng mamamayang Filipino na pagtaas ng mga presyo ng pangunahing bilihin at serbisyo sa bansa.
“The Duterte-Panelo “Talk show” at Malacañan Palace did not address what workers and the poor desire to hear from the President: Tangible solutions to the rising prices of rice and other basic commodities that have impacted negatively on income and the cost of living,” ang bahagi ng pahayag ni Magtubo.
Naniniwala din si Magtubo na malaki ang posibilidad na nais lamang ng administrasyon na isulong ang ‘Authoritarian rule’ ni Pangulong Duterte sa pamamagitan ng paghahasik ng takot sa publiko hinggil sa mga plano ng Destabilisasyon at pananabotahe sa Pamahalaan.
“Moreover, the ‘talk show’ tried to sow fear in the Public’s mind based on an imagined destabilization plot against his Government. The President by “selling hard” his theory of Destabilization plot has exposed his real aim of “an authoritarian rule” in order to effectively Govern the Country,” dagdag pa ng dating mambabatas.
Binigyang diin din ni Magtubo na maituturing na propaganda lamang ang higit sa isa’t kalahating oras na one-on-one interview ni Pangulong Duterte at Atty. Panelo na parehong opisyal ng gobyerno.
Isa naman sa hamon ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang naging pagbisita sa Pilipinas noong 2015 ang pagkakaroon ng responsibilidad ng mga Pulitiko at ng mga Opisyal ng bayan na bigyang katugunan ang sitwasyon ng mga mahihirap at nangangailangan sa lipunan.