Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tamang proseso sa pagkamit ng ligtas na bakuna para sa lahat

SHARE THE TRUTH

 223 total views

Mga Kapanalig, bago matapos ang taon ay napag-alaman ng taumbayan na nabakunahan na laban sa COVID-19 ang mga miyembro ng Presidential Security Group (o PSG). Umani ng batikos mula sa publiko ang pagpapabakuna nila dahil wala pa namang aprubadong bakuna sa bansa. Samakatuwid, smuggled o iligal ang itinurok na bakuna sa PSG.

Malinaw na paglabag sa Food and Drug Administration Act of 2009 ang “importation, exportation, sale, distribution, non-consumer use” ng mga hindi rehistradong produkto sa Food and Drug Administration (o FDA). Nariyan ang FDA upang masigurong ligtas ang mga produktong kinokonsumo ng publiko. Ibig sabihin, maaaring makompromiso ang kalusugan ng PSG dahil hindi dumaan sa masusing pag-aaral ng FDA ang itinurok nilang bakuna. Dagdag pa rito ang mga kuwestiyon na ibinabato sa efficacy rate ng Chinese-branded na bakunang ginamit nila.



Sa depensa ni PSG Chief Jesus Durante III, sila ay mga sundalo at kailangan nilang sumugal sa panganib. Ginawa raw nila ito “in good faith” at hindi na raw nila maaantay ang timetable ng FDA-approved na bakuna sapagkat may tungkulin silang kailangang gampanan. Hindi isiniwalat ni Heneral Durante kung saan galing ang bakuna. Sila lamang daw ang nagturok ng bakuna sa kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pag-sunod sa manual. Nilinaw din niyang nalaman na lamang ni Pangulong Duterte ang tungkol sa kanilang bakuna nang karamihan na ng PSG ang naturukan.

Bagaman maraming bumatikos sa pangyayaring ito, pinuri at pinasalamatan naman ni Senator Rolando “Bato” dela Rosa ang ginawa ng PSG. Aminado ang senador na hindi tiyak ang kaligtasan sa paggamit ng iligal na bakuna. Gayunman, hinimok niya ang taumbayan na pasalamatan ang PSG dahil ginawa nilang guinea pigs ang sarili nila para sa eksperimentong ito. Nanawagan din siyang huwag itong gawing isyu sapagkat personal na desisyon ito ng mga sundalo.

Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Justice sa pangunguna ng National Bureau of Investigation at Burea of Customs tungkol rito. Nagbanta naman si Pangulong Duterte sa Kongreso na hindi niya pahihintulutan kung ipapatawag nila ang PSG sa kanilang pagdinig. Ipinagtanggol din ng pangulo ang PSG dahil ginawa lamang daw nila ito para sa kanilang self-preservation.

Ipinaalala sa atin ng Panlipunang Turo ng Simbahan na ang tapat na panunungkulan ay paggamit sa kapangyarihan hindi para sa pansariling kagalingan o interes, ngunit upang maabot ang kabutihang panlahat o common good. Hindi dapat malimutan ng mga lingkod-bayan, kasama na ang mga miyembro ng PSG, na mahalaga ang moral na aspeto sa kanilang panunungkulan. Sa huli, taumbayan dapat ang sentro ng pagsisilbi sa pamahalaan.

Dahil dito, hindi maaaring bigyang katwiran ang paglabag sa batas para sa “self-preservation.” Hindi rin katanggap-tanggap ang pag-suway sa batas sa ngalan ng pagtugon sa tungkulin. Pagnilayan natin: Hindi ba dapat mga kawani ng pamahalaan ang nangunguna sa pagpapatupad ng mga batas? Para saan ang mga regulatory agency tulad ng FDA kung maaari naman palang magkanya-kanya o personal na desisyon sa paggamit ng mga produktong maaaring may negatibong epekto sa kalusugan ng tao? Kung ginawa ito ng PSG para sa kanilang tungkulin, paano naman ang mga healthcare workers na higit na mataas ang peligrong mahawaan ng COVID-19?

Mga Kapanalig, tulad ng panawagan ni Pope Francis na “vaccines for all,” ang ating suliranin sa pandemya ay matutugunan lamang kung may pagtanaw tayo sa kabutihang panlahat. Hangad natin ang tamang proseso sa pagkamit ng ligtas na bakuna para sa lahat. Walang pinapaburan, walang pag-baluktot sa batas. Nawa’y tumalima tayo sa panawagan ng Diyos sa sulat ni propeta Isaias 56:1, “panatilihin ang katarungan at gawin ang tama,” lalo na ang ating mga lingkod-bayan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 35,406 total views

 35,406 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 50,062 total views

 50,062 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,177 total views

 60,177 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 69,754 total views

 69,754 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 89,743 total views

 89,743 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mapa ng bansa

 35,407 total views

 35,407 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Paalam, POGO!

 3,298 total views

 3,298 total views Mga Kapanalig, isa sa mga pinakapinalakpakan noong ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM ang pagbabawal sa Philippine offshore gaming operations (o POGO). Sangkot daw ang mga ito sa mga ilegal na gawaing walang kinalaman sa paglalaro o pagsusugal. Naging instrumento na rin daw ang mga POGO ng scamming,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 50,063 total views

 50,063 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 60,178 total views

 60,178 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Phishing, Smishing, Vishing

 69,755 total views

 69,755 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Veritas Editorial Writer Writes 30

 89,744 total views

 89,744 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Climate justice, ngayon na!

 49,074 total views

 49,074 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, nag-iwan ng matinding pinsala sa mga lalawigan sa Hilagang Luzon ang Bagyong Marce, ang panlabintatlong bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility. Hindi pa nga lubusang nakababangon ang rehiyon mula sa hagupit ng Bagyong Leon, heto at lubog na naman sa baha ang maraming

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang special treatment dapat

 44,099 total views

 44,099 total views Mga Kapanalig, pansin niyo ba ang paglalâ ng traffic ngayon? Siguro, iba’t ibang paraan na ang ginagawa ninyo para hindi maipit sa traffic, gaya ng hindi pagbiyahe kapag rush hour, pagsakay sa tren o sa motorcycle taxi imbis na magsasakyan o mag-taxi, o kaya ay pagdaan sa mga alternatibong ruta. Kaso, gaya ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ingatan ang kaban ng bayan

 47,668 total views

 47,668 total views Mga Kapanalig, ilang buwan nang kinikilatis ng ating mga mambabatas ang paggastos ng pondo sa mga opisinang hinawakan at hinahawakan pa ni Vice President Sara Duterte: ang Department of Education (o DepEd) at ang mismong Office of the Vice President. Nababahiran ng kontrobersya ang mga opisinang ito at si VP Sara mismo dahil

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 60,123 total views

 60,123 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 71,190 total views

 71,190 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 77,509 total views

 77,509 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 82,119 total views

 82,119 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 83,679 total views

 83,679 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 49,240 total views

 49,240 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top