Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tanggapan ng Radio Veritas, isinailalim sa “pansamantalang lockdown”.

SHARE THE TRUTH

 52,814 total views

Tiniyak ng himpilan ng Radio Veriras 846-ang Radyo ng Simbahan na patuloy na mapakikinggan sa himpapawid at mapapanood sa pamamagitan ng video streaming at Veritas 846 facebook page ang mga misa at mga programa ng himpilan.

Ito ay kaugnay sa ipatutupad na ‘pansamantalang lockdown’ o pagsasarado ng Radio Veritas main studio na matatagpuan sa 162 West avenue corner Edsa Quezon City dulot na rin ng pagpositibo ng ilang kawani ng Covid-19 simula April 14.

Ang hakbang ay bilang pagtugon sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force at bigyang daan ang isasagawang ‘disinfection’ ng buong gusali na bahagi ng pag-iingat ng higit pang pagkalat ng nakakahawang sakit.

Humingi rin ng pang-unawa at panalangin ang Radio Veritas sa mga Kapanalig dahil sa pansamantala pagsasara ng tanggapan kung saan hindi muna pinahihintulutan ang pagtanggap ng mga ‘walk in’ Kapanalig members at application, gayundin ang Truth Shop at mga hihingi ng tulong sa programang Caritas in Action.

Pansamantalang ginagamit ng Radyo Veritas ang transmitter sa Taliptip Bulacan, upang patuloy na makapaglingkod at mapakinggan ang mga inihandang mga programa. Kabilang sa mapakikinggan ang mga banal misa, pagninilay ng mga pari at obispo gayundin ang mga gawain ng simbahan para sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan ay sumasailalim sa swab testings at contact tracing ang Radio Veritas upang malaman ang kalagayan ng iba pang mga kawani kasabay na rin ng isasagawang paglilinis sa buong gusali upang matiyak ang kaligtasan ng lahat. Para sa mga kapanalig na nais na magbigay ng kanilang ‘pledge’ at donasyon ay maari itong isagawa online na makikita sa veritas846.ph website. Maglalabas ng karagdagang pahayag ang himpilan sa lalung madaling panahon.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 21,120 total views

 21,120 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 37,707 total views

 37,707 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 39,076 total views

 39,076 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 46,527 total views

 46,527 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 52,030 total views

 52,030 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 17,125 total views

 17,125 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 100,026 total views

 100,026 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top