378 total views
Umaasa ang mga obispo ng Simbahang Katolika na mananaig ang tapat at payapang halalan sa bansa lalu na ang tunay na kagustuhan ng mga Filipino.
Ayon kay Davao Archbishop Romulo Valles-dating pangulo ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, nawa ay galangin ng bawat isa ang kalabasan ng halalan at magtulungan para sa kabutihan ng mas nakakarami.
“Given that election is a crucial and important process to make our democracy work. So, whatever would be the outcome, ang attitude natin is to come together, be together and respect the democratic way of government and then move forward by keeping and helping ourselves to make the government work and support the whoever is elected,” ayon kay Archbishop Valles.
Hinihikayat naman ni Ozamis Archbishop Martin Jumoad ang mga mananalo at matatalong kandidato na tanggapin ang resulta ng eleksyon ng buong kababaang loob at tuwinang isaisip ang kabutihan ng mga Filipino.
“The winner must accept it with humility para may kapayapaan sa Pilipinas’, ayon kay Archbishop Jumoad.
Sinabi naman ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, national director Caritas Philippines, obligasyon ng mananalong kandidato, lalo na sa pinakamataas na posisyon ng pamahalaan na maging pinuno ng lahat ng sektor at pagkaisahin ang mamamayang Filipino.
“Sinumang mapili natin, hindi sila pinuno ng iisang sektor, hindi lamang sila pinuno ng mga bumoto sa kanila kung hindi sila ay magiging pinuno natin magiging lider natin. Sila ang mangunguna sa atin sa lahat,” ayon kay Bishop Bagaforo
“Their primary duty is to serve the people as what they have promised. Sila ay nangako ang kanilang pagsisilbi sa sambayanan. They have to be the leader of our people, they have to work and they have to manifest and they have to exert all efforts to unite and to rally all people in order for us to move on,” ayon kay Bishop Bagaforo.
Paalala din ni Bishop Bagaforo sa mga supporter ng mga kandidato na huwag pabayaang masira ang kanilang mga personal na relasyon ng dahil sa naganap na halalan dulot ng magkakaibang pinapanigan.
“Wag sanang masira ang ating personal relationship with one another, pagkakaibigan. Hawak-kamay, magtulungan na tayo. Let’s hold hands together and support whoever wins para sa kabutihan ng ating lipunan at para sa kinabukasan ng ating susunod na henerasyon,” ayon pa kay Bishop Bagaforo