459 total views
Umaapela si Tandag Bishop Raul Dael sa mga naihalal na kandidato na maglingkod ng tapat sa bayan at sa bawat mamamayan.
Ayon sa obispo hindi dapat sayangin ng mga halal na opisyal ang pagkakataong ibinigay ng sambayanan upang ipagkatiwala ang pamamahala sa bayan.
“Sa mga napili nga mga kandidato, ang inyong kadaugan mao ang kahigayonan sa pag-alagad alang sa tanan. Patilawa ang katawhan sa serbisyo nga walay pagpihig [Sa mga nahalal na kandidato ito ang inyong pagkakataon para maglingkod sa bayan. Ipakita ninyo sa mamamayan ang serbisyong walang kinikilingan],” bahagi ng pagninilay ni Bishop Dael.
Inihayag ni Bishop Dael na kaakibat ng pagiging halal na opisyal ang paanyayang maging punong lingkod sa bawat nasasakupang mamamayan.
Bagamat nai-proklama na ang mga nanalong kandidato sa local position ay nagpapatuloy naman ang kongreso at Commission on Elections sa canvassing ng mga balota para sa national positions.
Sa parallel partial/unofficial count ng church-based poll watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) nangunguna si Presidential candidate Ferdinand Marcos Jr. at Vice Presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte.
Apela ni Bishop Dael sa mga napiling kandidato na abutin ang bawat mamamayan maging ang hindi sumuporta noong eleksyon.
“Reach out to those who did not vote for you. Show goodness and respect to your opponents,” ani Bishop Dael.
Isinantabi naman ng COMELEC ang mga naiulat na iregularidad sa halalan kung saan ayon sa parallel count ng PPCRV nasa 98-percent ang match rate nito habang may halos dalawang porysentong election returns ang kinakailangang isailalim sa re-validation.