Veritas PH

The WORD. The TRUTH.


Tapat na paglilingkod sa mananampalataya, tiniyak ng bagong rector ng Manila cathedral

SHARE THE TRUTH

 2,492 total views

Tiniyak ng bagong rektor ng Minor Basilica of the Immaculate Concepcion o Manila Cathedral ang tapat na pagsunod sa Panginoon at paglilingkod sa mananampalataya.

Ayon kay Msgr. Rolando dela Cruz, ang pamamahala sa Manila Cathedral ay maituturing na pagsubok dahil maliban sa ito ang kauna-unahang katedral sa Pilipinas, ito rin ang inang simbahan ng Arkidiyosesis ng Maynila at ng buong bansa.

“I am humbled by this appointment. I am hesitant to face the challenges but I am hopeful that the Lord will give fruits to our labor as long as we do as He tells us. Sa tapat na pagsunod, may biyayang kasunod. Let us do what the Lord tells us,” Nangako si Msgr. dela Cruz na pananatilihin ng katedral ang pagiging banal kung saan madarama ang presensya ng Panginoon, gayundin ang pagsusulong sa kahalagahan ng kultura lalo na ang pananampalataya.

Tinukoy naman ng pari ang “stained glass windows” ng katedral na disensyo ni Galo Ocampo, na maituring na daluyan ng liwanag sa loob at labas ng basilika.

Hiling ni Msgr. dela Cruz na maging halimbawa sa bawat isa ang mga bintana ng Manila Cathedral na nagsisilbing daluyan ng biyaya mula sa Diyos na maibabahagi rin sa kapwa.

“Ito ang aking panalangin na ang bawat isa ay maging katulad ng mga “stained glass windows” na ito. Tayong lahat nawa’y makatanggap ng liwanag mula sa Diyos at maging daluyan din ng liwanag na ito sa ating mga kapatid. Upang sa gayon, ‘pag sinabi ng mga tao, ang ganda ng simbahan, ang tinutukoy nila ay hindi lamang ang gusali, kundi ang mga taong sumasamba rito,” ayon kay Msgr. dela Cruz.

Abril 14, 2023 nang pangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang opisyal na pagtatalaga kay Msgr. dela Cruz na sinaksihan nina Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown, at Novaliches Bishop-emeritus Antonio Tobias.

Dinaluhan din ito ng mga rektor at pari mula sa mga diyosesis na saklaw ng Arkidiyosesis ng Maynila, gayundin sina Manila City Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo, at mga kamag-anak at kaibigan ni Msgr. dela Cruz.

Si Msgr. dela Cruz ang kahalili ni Manila Archdiocesan Vicar General Fr. Reginald Malicdem na ngayo’y chaplain ng Our Lady of Hope Mission Station ng Landmark at SM Chapels sa Makati City.

Naglingkod si Msgr. dela Cruz bilang dating kura paroko ng San Fernando de Dilao Parish sa Paco, Manila sa loob ng 12 taon.

previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Hindi sagot ang pag-unfriend

 3,184 total views

 3,184 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay memes tungkol sa pag-aresto kay dating Pangulong Duterte? Mabilis na nagbigay ang mga netizens ng kani-kanilang opinyon sa nangyaring pag-aresto sa dating presidente. Naging mas lantad ang malaking pagkakaiba ng

Read More »

Katarungang abot-kamay

 24,017 total views

 24,017 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang mahihirap o kaya’y katatakutan ang mayayaman. Humatol kayo batay sa katuwiran.” Isinasaad ng ating pananampalataya na nais ng Diyos na igawad natin ang katarungan lalo na sa mga umaabuso sa

Read More »

Truth Vs Power

 41,002 total views

 41,002 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter. Noon, sa kabila ng kasinungalingan…anuman ang sasabihin ng dating Pangulo Rodrigo Roa Duterte ay katotohanan…hinahangaan natin siya na mga botanteng Pilipino…sinusunod natin anuman ang kanyang utos. Sinasabi nga ng News

Read More »

Heat Wave

 50,307 total views

 50,307 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng nagbabagong klima sa lahat ng panig ng mundo? Ang mainit na panahon na ating kagagawan dahil sa walang habas na pagsira sa kalikasan. Paulit-ulit na ipinapaalala sa ating mananampalataya ng

Read More »

Aangat ang kababaihan sa Bagong Pilipinas?

 62,416 total views

 62,416 total views Mga Kapanalig, “Babae sa Lahat ng Sektor, Aangat ang Bukas sa Bagong Pilipinas!”  Ito ang tema sa paggunita natin ng National Women’s Month sa taóng ito. Sinasalamin nito ang hangarin ng kasalukuyang administrasyon na matamasa ng kababaihan ang kanilang mga karapatan, na ang mga oportunidad na ibinibigay sa mga lalaki ay nakakamit din

Read More »
12345
Shadow
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Banal na oras para sa kalikasan “Earth hour” 2025, isasagawa sa Radio Veritas

 10 total views

 10 total views Muling inaanyayahan ng kapanalig na himpilan ang lahat na pakinggan at tunghayan ang inihandang programa bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Earth Hour ngayong taon. Ito ang “Ang Banal na Oras para sa Kalikasan: Earth Hour 2025 Special,” na gaganapin ngayong Sabado, March 22, 2025 mula alas-otso hanggang alas-10 ng gabi. Tampok sa programa

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Patuloy na paglaganap ng nakakalasong produkto, kinundena

 3,530 total views

 3,530 total views Kinundena ng EcoWaste Coalition ang patuloy na pagbebenta ng mga nakalalasong pampaputing produkto na may mataas na antas ng mercury sa nangungunang shopping mall sa Taguig City. Bilang paggunita sa International Women’s Day at World Consumer Rights Day, muling bumisita ang grupo sa nasabing mall upang suriin at tiyakin ang pagsunod ng mga

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Pasay city jail, binisita ni Cardinal Advincula

 3,756 total views

 3,756 total views Binisita ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa Pasay City Jail noong March 11 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Simbahan sa Taon ng Hubileyo. Sa pagninilay sa banal na Misa, ibinahagi ni Cardinal Advincula ang mensahe ng pag-asa, pagbubukas ng puso, at pananalig sa Diyos. Ikinuwento

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pagkaaresto kay Digong, tagumpay ng katarungan

 4,604 total views

 4,604 total views Itinuturing ng Alyansa Tigil Mina (ATM) bilang tagumpay ng katarungan ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa mga krimen laban sa sangkatauhan. Ayon kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, bagamat hindi na maibabalik ang libo-libong buhay na nawala, ang pag-aresto kay Duterte ay mahalagang hakbang

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Pagdakip kay dating pangulong Duterte, isang moral na proseso sa katarungan at katotohanan

 3,868 total views

 3,868 total views Makakamit lamang ang tunay na kapayapaan kung kikilalanin ang mga maling nagawa ng nakaraan at pananagutin ang mga may kasalanan. Ito ang binigyang-diin ng Conference of Major Superiors in the Philippines-Justice, Peace, and Integrity of Creation Commission (CMSP-JPICC) kaugnay sa pagkakaaresto ng International Criminal Court kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa CMSP-JPICC,

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Bishop Santos, naglabas ng prayer for protection against fire

 4,841 total views

 4,841 total views Ipinapanalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang kaligtasan ng lahat mula sa panganib ng sunog bilang paggunita ngayong Marso sa Fire Prevention Month. Hinihiling ni Bishop Santos na nawa’y pigilan ng Diyos ang pagkalat ng apoy upang maiwasan ang anumang panganib, hindi lamang sa mga tahanan, ari-arian at tao, maging sa kapaligiran at

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Camillians, ipinagdiwang ang 50-taong pagmimisyon sa Pilipinas

 4,463 total views

 4,463 total views Nagpahayag ng kagalakan si first Filipino Camillian, Fr. Rolando Fernandez, sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng Camillian mission sa Pilipinas. Ayon kay Fr. Fernandez, isang karangalan ang mapaglingkuran ang Diyos sa pamamagitan ng pagtulong sa mga may sakit, lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan. “It is indeed an honor for us

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinimok na makiisa sa golden anniversary ng Camillians Philippine Province

 6,103 total views

 6,103 total views Inaanyayahan ng Camillians – Philippine Province ang lahat na makibahagi sa pagtatapos ng isang taong pagdiriwang ng ginintuang anibersaryo ng pagdating ng mga paring kamilyano sa Pilipinas. Isasagawa ang pagdiriwang bukas, March 8, na magsisimula alas-7 ng umaga sa pamamagitan ng motorcade dala ang relikya ni San Camilo de Lellis mula sa Saint

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Sangguniang Panlalawigan ng Palawan, pinasalamatan ni Bishop Mesiona

 6,744 total views

 6,744 total views Nagpapasalamat si Puerto Princesa, Palawan Bishop Socrates Mesiona sa Sangguniang Panlalawigan ng Palawan sa pag-apruba sa ordinansang nagtatakda ng 50-taong mining moratorium sa lalawigan. Ayon kay Bishop Mesiona, sapat na ang umiiral na operasyon ng pagmimina sa lalawigan, at hindi dapat ituring na hindi nauubos ang mga yamang mineral sa lugar. Nagbabala ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mining moratorium, panawagan ni Archbishop Jumoad sa administrasyong Marcos

 7,438 total views

 7,438 total views Nanawagan si Pagadian Apostolic Administrator, Ozamis Archbishop Martin Jumoad, na ihinto ang lahat ng operasyon ng pagmimina sa Zamboanga del Sur upang mapigilan ang masamang epekto ng pagmimina sa kalikasan ng lalawigan. Binigyang-diin ni Archbishop Jumoad sa kanyang pastoral letter na unti-unting napipinsala ang kapaligiran dahil sa patuloy na pagpapahintulot sa ilegal na

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

31-bilyong pisong pinsala sa kalikasan, idudulot ng Maharlika investment sa Makilala mining

 8,520 total views

 8,520 total views Ikinababahala ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) na posibleng umabot sa 31-bilyong piso ang halaga ng pinsala ng Maharlika Investment sa copper-gold project ng Makilala Mining Corporation sa Kalinga. Ayon kay LRC executive director, Atty. E.M. Taqueban, ang kontrobersyal na P4.42 bilyong pautang mula sa Maharlika Fund para sa proyekto ay

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

BFP, dinalaw ng imahen ng Jesus Nazareno

 7,338 total views

 7,338 total views Nagpapasalamat ang Bureau of Fire Protection Chaplaincy sa muling pagdalaw ng imahen ng Nuestro Padre Jesus Nazareno sa BFP-National Headquarters sa Quezon City. Ayon kay Chief Chaplain, Fr. (FSSupt.) Randy Baluso, T’Ocarm, DSC, maituturing na pagpapala ang pagdalaw ng Poong Jesus Nazareno sa tanggapan, na nagbibigay ng panibagong sigla at nagpapatatag sa pananampalataya

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pamumuhunan ng Maharlika Investment Corporation sa mining, tinututulan ng Caritas Philippines

 9,227 total views

 9,227 total views Mariing tinututulan ng development at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang desisyon ng Maharlika Investment Corporation (MIC) na mamuhunan sa industriya ng pagmimina. Kaugnay ito sa paggamit ng mahigit $76-milyong pautang sa Makilala Mining Company Inc. para sa Maalinao-Caigutan-Biyog Copper-Gold Project sa Kalinga. Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Kompensasyon sa VIP oil spill, panawagan ng mga mangingisda

 10,171 total views

 10,171 total views Dalawang taon matapos ang oil spill sa Verde Island Passage (VIP), muling nanawagan ang mga apektadong mangingisda sa International Oil Pollution Compensation Funds (IOPC) para sa katarungan at sapat na kompensasyon. Ayon kay Protect VIP lead convenor, Fr. Edu Gariguez, hindi pa rin nakakamit ng mga mangingisda ang katarungan matapos mawalan ng kabuhayan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Kompensasyon sa VIP oil spill, panawagan ng mga mangingisda

 7,059 total views

 7,059 total views Dalawang taon matapos ang oil spill sa Verde Island Passage (VIP), muling nanawagan ang mga apektadong mangingisda sa International Oil Pollution Compensation Funds (IOPC) para sa katarungan at sapat na kompensasyon. Ayon kay Protect VIP lead convenor, Fr. Edu Gariguez, hindi pa rin nakakamit ng mga mangingisda ang katarungan matapos mawalan ng kabuhayan

Read More »
123456789101112

Latest Blogs

123456789101112