377 total views
Umaasa ang Obispo na sa pagdiriwang ng araw ng kasarinlan ng Pilipinas ay tunay na maging tapat tayo sa ating bayan.
Tiniyak ni Prelatura de Isabela Bishop Martin Jumoad na magkakaroon lamang ng tunay na kahulugan ang selebrasyon ng Independence Day kung tunay na tapat at ating ipinagmamaki ang pagiging Filipino.
“Maging masunurin sa ipinatutuap na batas sa ating bansa,”pahayag ni Bishop Jumoad.
Ikinalulungkot ng Obispo na maraming nagsasabi na sila ay makabayan ngunit hindi naman ito nakikita sa kanilang gawa.
“Independence Day has meaning only if even before and after June 12, we are always loyal and committed in obeying the laws of our nation. Many profess that they love our country but their actions show as if they hate our motherland,”pahayag ni Bishop Jumoad