292 total views
May 18, 2020, 2:06PM
Alinsunod sa patuloy na ipinatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine at pag-iingat mula pandemic na Coronavirus Disease 2019 ay naglabas ng mga panuntunan ang Pontifical and Royal University of Santo Tomas para sa maayos na pagtatapos ng semestre ng mga mag-aaral.
Sa pamamagitan ng pagsangguni sa lahat ng pinuno ng academic units at mga student leaders ng unibersidad ay nabuo ang Task Force VERITAS (Viable Educational Response and Initiatives for Thomasian Academics and Stakeholders) na nagbalangkas ng Institutional Continuity Plan for Extended and Post-Enhanced Community Quarantine ng UST.
Nakapaloob sa naturang hakbang ang pagsasagawa ng remote teaching and learning upang maayos na maipagpatuloy at matapos ng mga estudyante ang mga course requirements ng ikalawang semestre nang hindi naisasantabi ang kaligtasan at kapakanan ng mga propesor at mag-aaral mula sa nakahahawa at nakamamatay na COVID-19.
“The Institutional Continuity Plan for Extended and Post-Enhanced Community Quarantine was released by the University of Santo Tomas with inputs from heads of all academic units and in consultation with student leaders, among others. The rationale for the Institutional Continuity Plan is to continue the second term through remote teaching and learning to allow the completion of course requirements while at the same time considering the health and safety of everyone as a priority.”pahayag ng Pontifical and Royal University of Santo Tomas.
Nasasaad sa Institutional Continuity Plan for Teaching and Learning ng UST ang pagsasagawa ng online classes sa pamamagitan ng UST Cloud Campus kung saan may dalawang pamamaraan na maaring gamitin ang mga propesor at mag-aaral ang synchronous at asynchronous.
Ang synchronous ay ang pagsasagawa ng online class ng live o real – time habang ang asynchronous naman ay self – paced.
Ayon sa UST Task Force VERITAS mahalaga na magkaroon ng mapagpipiliang paraan ang mga propesor at mag-aaral upang patas na matugunan ang sitwasyon ng lahat na maaring walang sapat na kapasidad upang makasabay sa mabilis na internet connectivity ng iba pang mag-aaral.
“Adjustments have to be made to accommodate the needs of the students and faculty members. The faculty members were also advised that the students, who may be feeling the stress brought about by this unprecedented global pandemic and other issues such as internet connectivity at home should be on a self-paced learning mode.” ayon sa pahayag ng University of Santo Tomas.
Inaasahan naman ang pagsasagawa ng UST ng special term sa Hunyo at Hulyo partikular para sa mga graduating students at sa mga curriculum na mayroong tatlong semester.
Magsisimula naman ang unang semestre ng Academic Year 2020-2021 sa buwan ng Agosto.