242 total views
Sa napipintong pagkapasa ng death penalty bill, muling hinimok ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga parokya, mga paaralan, religious groups, religious congregations sa Archdiocese of Manila at mga mananampalataya na magnilay, magdasal at kumilos laban sa death penalty bill na nakatakdang pagbotohan sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ika-7 ng Marso,2017.
Hiniling ni Cardinal Tagle sa mga parokya at mga paaralan na basahin sa mga misa ang kanyang paanyaya na mag-reflect, magdasal at gumawa ng aksiyon sa pagsasabatas ng parusang kamatayan.
Read: http://www.veritas846.ph/cardinal-tagles-statement-invitation-death-penalty/
Inaayayahan ni Cardinal Tagle ang mga layko na tawagan at sulatan ang kani-kanilang mga representante sa Mababang Kapulungan na pairalin ang konsensiya at moralidad sa isinusulong na parusang kamatayan.
Umaapela ang Kardinal sa taumbayan na ipaalam sa kanilang mga mambabatas ang kanilang pagtutol sa parusang kamatayan at culture of death sa bansa.
Hinimok din ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na dasalin ang “prayer vs death penalty” at magsagawa ng adoration at holy hour para magbago ng isipan at damdamin ang mga mambabatas na nagsusulong ng death penalty.