220 total views
Hinimok ni Father Rei Paglinawan – Parish Priest ng Most Holy Redeemer Parish, sa Diocese of Cubao ang kanyang mga parishioners na maging masunurin at makipagtulungan sa oras ng kalamidad.
Ayon sa Pari, mas magiging madali kung magtutulungan at sama-samang mananalangin ang bawat isa lalo na’t tumitindi ang mga sakuna.
Pakiusap pa ni Fr. Paglinawan sa mga residente, matutong sumunod at makipag-ugnayan sa Simbahan at pamahalaan upang makaiwas sa disgrasya na maaaring idulot ng malakas na pag-ulan bunga ng hanging habagat.
“Huwag natin kakalimutan na tayo ay magdasal, at hilingin natin ang pangangalaga ng mahal na birheng Maria upang tayo ay mabuhay ng mas ligtas at makipagtulungan po tayo sa lahat ng oras upang hind maging mahirap para din sa mga taong tumutulong sa atin,” ang pahayag ni Fr. Paglinawan sa Radyo Veritas.
Ayon sa PAGASA, tatlong weather circulations ang dahilan ng paglakas ng hanging habagat, ito ang low pressure area sa southern coast ng China, ang tropical storm na si Conson at isa pang mahinang bagyo na nasa labas ng Philippine area of responsibility.
Batay sa National Disaster Risk Reduction Management Council umabot na sa 15,665 na mga pamilya o katumbas ng 70,665 na indibidwal ang naapektuhan ng malakas na pag ulan dulot ng South West monsoon sa mga bahagi ng Metro Manila, Negros Island Region, Autonomous Region in Muslim Mindanao, Central Luzon, Calabarzon and Western Visayas.
Magugunita namang sa laudato si ni Pope Francis, ipinaalala nitong dapat pag-ibayuhin ng tao ang pangangalaga sa kalikasan dahil kung
mag papatuloy ang pagkasira ng kapaligiran ay mga tao rin ang magiging biktima ng mga kalamidad na idudulot nito.