202 total views
Inanyayahan ni Caritas Manila executive director Rev. Fr. Anton CT Pascual ang mga kapanalig sa Antipolo, Rizal na suportahan at tangkilikin ang 27th Segunda Mana charity outlet doon.
Ayon sa pari isang grasyang maituturing ang pagbubukas ng naturang charity outlet sa Comoda Ville, Antipolo upang matulungan ang halos 300 scholars mula sa Diocese of Antipolo na natutulungan ng Caritas Manila sa programa nitong Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP.
“Sa ating mga kapanalig dito sa Rizal at lalung – lalo na dito sa Antipolo tangkilikin natin ang Caritas Segunda Mana. Itong donation in kind program ng Caritas Manila na kung saan tumatanggap tayo ng mga donasyon in kind,” bahagi ng pahayag ni Fr. Anton CT Pascual sa Veritas Patrol.
Malaking biyaya namang maituturing ni Ms. Emilie Cruz ang proprietor ng Segunda Mana sa Antipolo na napili ang kanilang lugar na pagtayuan nito at nangako itong makikiisa sa adbokasiya ng Caritas Manila.
“Actually napakalaking karangalan na nagkaroon ng 27th outlet here sa Comoda Ville. Maligaya akong makatulong para magampanan ang lahat ng mission at vision ng Segunda Mana,” giit ni Cruz sa Radyo Veritas.
Nakikiisa naman ang Caritas Manila sa panawagan ni Pope Francis na pagwawaksi ng umiiral na kulturang patapon o “Throw-away Culture.