1,436 total views
Umaasa ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) na maging epektibo ang internal cleansing ng pamahalaan sa hanay ng Philippine National Police.
Ito ang mensahe ni TFDP Chairperson Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm sa panibagong hakbang ng pamahalaan upang masolusyunan ang malalim na problema ng ilegal na droga sa loob ng ahensya.
Ayon sa Pari na siya ring executive secretary ng Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP), nararapat ang internal cleansing bagamat iilang opisyal lamang ng PNP ang hinihinalang may kaugnayan sa ilegal na droga.
“Sana kung 10-alleged yung 10-generals ang implicated diba sinabi, yun sana ang i-due process pero talamak siguro again, napasok na talaga sa system so siguro kailangan talagang i-re-org, i-over haul, at saka i-recalibrated yan, I’m just hoping for the end result later.”pahayag ni father Buenafe sa Radio Veritas.
Ipinagdarasal ng Pari na maging positibo ang resulta ng panibagong internal cleansing sa PNP para sa ikabubuti ng bawat mamamayan at sa mga tapat na kawani ng ahensya.
“It should be for the better of all the uniform men and women, and of course when I say for the better of the country and for the betterment of the people of course kasi very sensitive yung panawagan…” Dagdag pa ni Fr. Buenafe.
Sa tala 90-percent sa 956 na mga colonel at general ang PNP ang naghain na ng courtesy resignation.