642 total views
Kapanalig, isa sa mga pinaka-uma-aray sa mga sunod-sunod na krisis na nararamdaman ng bayan ay ang mga small, micro, and medium enterprises (MSMEs). Mula sa COVID-19, hanggang sa mabilis na pagtaas ng presyo ng gasolina at mga bilihin, ang mga MSMEs ay parang naging punching bag ng ating panahon ngayon. Hirap na hirap sila bumangon dahil nalugi na sila ng panahon ng mga lockdowns, pagbalik nila, sinalubong naman sila ng mahal na presyo ng mga supplies.
Hindi natin maaring isawalang bahala ang kapakanan ng mga MSMEs sa ating bayan. Ang MSMEs kapanalig, ay pundasyon ng ating ekonomiya. Kung wala sila o hirap sila, wala tayong maaasahang economic growth.
Ang MSMEs kapanalig, ay bumubuo ng 99.5% ng mga negosyo sa bansa. Sila ang susi ng ating economic recovery. Ano nga ba ang maaaring gawin ng ating estado at ng lipunan upang maiangat natin ang kanilang sitwasyon?
Ang digital technologies ay maari pa nating ma-harness o mapa-ibayo para magamit ng mga MSMEs. Ang maliliit na negosyo kapanalig ay flexible – nakita natin ito ng kahitikan ng COVID-19 pandemic. Maraming mga negosyo ang mabilis na nakapag-adjust sa mga restriksyon bunsond ng pandemya. Ang pangunahing gamit nila dito ay ang mga online na platforms para sa kanilang mga transaksyon.
Kailangang ma-maximize natin ang digital technologies hindi lamang sa pagbebenta at pagbabayad, kapanalig. Kailangan din ito sa iba pang elemento ng pag-nenegosyo, gaya ng supply chain at logistics. Kailangan ang angkop na digital technologies para mabilis at sistematiko ang proseso ng pag-nenegosyo. Pati sa savings at investments ng mga MSMEs, kailangan mapatibay pa ang paggamit ng digital technologies. Isa rin kasi itong paraan upang mapalago ang kapital.
Ang digital technologies para sa MSMEs ay isa ring paraan upang gawin resilient ang mga maliit na negosyo. Pumapasok dito kapanalig ang kahalagahan ng cybersecurity. Kailangang masanay na tayo kapanalig sa pag-gamit ng teknolohiya kahit sa maliit na negosyo. At isa sa mga balakid sa pag-gamit nito ay ang takot ng karaniwang tao sa mga online scams. Kung may maayos na cybersecurity framework ang negosyo, mas dadami pa ang magtitiwala sa digital technologies para sa MSMEs.
Ang pag-gamit ng digital technologies para sa kabutihan ng MSMEs ay magandang hakbang. Ipinapakita natin sa ganitong paraan ang teknolohiya bilang isang makapangyarihang pwersa para sa kabutihan. Dito, nabibigyang diin natin ang pag-gamit ng teknolohiya para sa kapakanan ng balana. Ayon nga sa Message of Pope Francis for the 48th World Communications Day: “The internet, in particular, offers immense possibilities for encounter and solidarity. This is something truly good, a gift from God.”
Sumainyo ang Katotohanan.