218 total views
Nanindigan si San Beda College Graduate School of Law dean Father Ranhilio Aquino na hindi pamantayan sa pagpapatupad ng Martial law ang takot ng taumbayan sa pag-atakeng maaaring gawin ng mga rebeldeng grupo tulad ng CPP-NPA.
Nilinaw ni Father Aquino na kinakailangang mayroong basehan ang sinasabing umiiral na rebelyon bago magpatupad ng Martial law ang pamahalaan sa ilang bahagi ng bansa.
Why we need Martial law?
Tinukoy ng pari na matagal nang nagre-rebelde ang CPP-NPA at nakakayanan naman itong kontrolin ng pamahalaan kaya hindi na kakailanganin pa ang pagpapatupad ng martial law.
“My only point is that, the constitution does not only say rebellion, it also says rebellion is public safety requires it. The point is kung in the past years, ang CPP-NPA rebellion matagal nang nandyan, kung in the past years nakaya natin without having to declare martial law, why do we suddenly need martial law?” pahayag ni Fr. Aquino sa panayam ng Radyo Veritas.
Dumulog sa Korte Suprema
Ipinaliwanag ng Pari na kung walang matibay na basehan at kongkretong dahilan ang pagpapatupad ng Martial Law ay maaari itong kuwestiyunin ng sinumang indibidwal sa Supreme Court.
“The constitution also prescribes that any citizen may bring the proper action before the Supreme Court questioning whether or not the factual basis exist for the declaration of Martial law.” Dagdag pa ng Pari.
Matatandaang ika-23 ng Mayo, 2017 nagsimula ang Martial Law sa Marawi City dahil sa pag-atake ng teroristang grupo na Maute.
Nakatakdang magtapos ang unang deklarasyon ng Batas Militar sa ika 31 ng Disyembre, subalit kahapon sa joint session ng Senado at Mabanang Kapulungan ng Kongreso, sa pamamagitan ng botong 240-27, ay naaprubahan ang 1-year extension ng Martial law sa buong Mindanao simula unang araw ng Enero, 2018 hanggang ika-31 ng Disyembre, 2018.