188 total views
Kinondena ng Prelatura ng Isabela de Basilan ang insidente ng ‘Car Bombing’ sa Lamitan, Basilan kung saan labing-isa (11) katao ang nasawi habang 8 ang nasugatan.
Bukod sa pagkondena ng Terrorist Act, Inihayag din ni Msgr. Jose Casas, Administrator ng Pelatura ng Isabela de Basilan ang pakikiramay sa mga nasawing biktima ng pagsabog na pawang mga miyembro ng CAFGU.
“We of course condemn the act, This terrorist act! Talagang basta makapatay lang,” ayon kay Msgr. Casas.
Sa kasalukuyan, ibinahagi ng pari ang pagdaragdag ng military at police personnel sa mga matataong lugar at malapit sa mga simbahan.
Kinumpirma ni Msgr. Casas ang kagya’t na pagtawag ni Davao Archbishop Romulo Valles, pangulo ng CBCP at inalam ang kanilang sitwasyon.
Pinaalalahanan din ni Msgr. Casas ang mga pari sa Basilan na maging mapagbantay sa kanilang paligid at patuloy na mag-ingat.
Tiniyak naman ng Pari na bagama’t higit sa isang kilometro lamang ang Parokya ng St. Peter the Apostle sa pinangyarihan ay wala namang nadamay o nasira sa malakas na pagsabog.
Si Fr. Reynaldo Enrique, ang kasalukuyang kura paroko ng St. Peter sa Lamitan ay kabilang sa survivor noong Lamitan sieged noong taong 2001.
Sa kasalukuyan ay nasa ‘Full Alert’ status na Autonomous Region in Muslim Mindanao kasunod ng pagsabog.
Sa ulat, labing isa katao ang nasawi habang walo naman ang sugatan nang sumabog ang isang car bomb sa military checkpoint sa Lamitan.
Kabilang sa namatay ang driver ng van na sinasabing isang dayuhan, at anim sa panig ng militar na pawang nagmamando ng checkpoint.
Ayon sa ARMM-Police Regional Office regional director chief Supt. Graciano Mijares, ipinag-utos na ang pagkakaroon ng karagdagang check point at foot patrol lalu na sa mga matataong lugar.