6 total views
Ipinaparating ni Father Eric Adoviso – Parish Priest ng Archdiocese of Loreto Sampaloc Manila ang pasasalamat at kagalakan sa mga grupo lalu na sa church-based religous group na nakiisa sa pakikibaka para sa buhay ni Mary Jane Veloso.
Ipinapanawagan din sa Thanksgiving Mass ang paggagawad ni Pangulong Ferdinand Marcos ng clemency kay Veloso.
Ayon sa Pari, ang paglilipat kay Veloso sa mga piitan ng Pilipinas ay simbolo ng pagasa sa iba pang Overseas Filipino Workers na nakahanay sa death row sa iba-ibang bansa.
“Siyempre maligaya dahil kasi nakabalik na siya at siyempre ito ay effort ng Non-government organizations, ng mga samahan ng simbahan ng CBCP, at the same time ng pamahalaan para malabalik siya, yun naman ang maganda dito at siyempre celebrate yung case niya, so sana baka yung iba pang nakakulong sa iba pang bansa na kapareho din ni Mary Jane ay makalaya,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Fr.Adoviso.
Nilinaw ng Pari na ang pagpapauwi kay Veloso ay hindi dapat ituring na isang special treatment.
Sa kabila ng mga media exposure at pakikiisa ng maraming grupo kay Veloso ay isa lamang ang kaniyang kaso sa mga hinihintay na mabigyan ng katarungan.
“Kaya hindi naman natin sine-celebrate kungdi sa akin palagay, isang kaligayahan na kung saan pagkatapos magdusa yung tao ay nakalaya siya at binigyan siya ng pardon, binigyan siya ng pardon ng Indonesian Government sa pakikipag ugnayan ng Philippine Government, at siyempre yung mga maliliit na PDL ay nagdiriwang yan, in every freedom, lahat nagdiriwang maging mga pamilya nagdiriwang, mga pamilya, so sa tingin ko wala namang masama na magsaya yung tao kapag ikaw ay lumaya na,” ayon sa panayam ng Pari.
Sa naging Thanksgiving Mass ay nakiiisa ang magulang ni Mary na si Celia at Cesar Veloso.
Si Mary Jane ay nakapiit sa Correctional Institution for Women matapos dumating sa Pilipinas noong December 18 mula Indonesia.