12,454 total views
Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”.
Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang ito?
Nitong a-dos ng April, 2025 (APRIL 2, 2025) mahigit 2,700 katao na ang nasawi habang mahigit-kumulang sa 4,000 katao naman ang nasugatan at daan-daan pa ang nawawala sa 7.7-magnitude na lindol na tumama sa Myanmar at Thailand.. Mahigit 10,000-gusali ang nawasak sa napalakas na lindol(natural disaster). Ang bilang ng casualties ay maaring pang madagdagan habang patuloy ang search and rescue ng mga rescuers sa nasabing bansa.
Ang naganap na trahedya Kapanalig ay nakakapanlumo, lubhang nakakalungkot. Maraming naibuwis na buhay sa isang iglap lamang.
Maging babala at wake-up call sana sa ating mga Pilipino ang naganap na trahedya sa Myanmar na mayroong civil war sa kasalukuyan at Thailand.
Kung matindi ang trahedya sa Myanmar at Thailand… Sinasabi ng Office of the Civil Defense (OCD) na mas nakakapangilabot ang trahedyang idudulot kung tumama ang “The Big One” o 7.2 magnitude na lindol sa Metro Manila.. Tinataya ng OCD na posibleng umabot sa 50,000 ang death toll kapag tumama ang “The Big One”.
Kapanalig, kung pagbabasehan ang pag-aaral ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS), nangyayari ang paggalaw ng West Valley Fault system kada 400 hanggang 600-taon… Hindi ito panakot Kapanalig, inihayag ng PHILVOCS na malapit na ang paggalaw ng susunod na West Valley Fault system, na maaring magdulot ng 7.2-magnitude na lindol sa Metro Manila.
At base sa pag-aaral ng Japan International Cooperation Agency(JICA) 20-taon na ang nakalipas, ang magnitude 7.2 na lindol na tatama sa Metro Manila ay posibleng magresulta sa pagkasawi ng 30,000 hanggang 50,000 katao… Posible ding magbunsod ang paggalaw ng Manila trench ng mas malakas na lindol na aabot sa magnitude 8.3 na magdudulot ng tsunami.
Ayon sa DOST-PHILVOCS, mayroong aktibong Valley Fault System (VFS) sa Pilipinas na binuo ng East Valley Fault na may habang 17.24-kilometro mula sa bayan ng Rodriguez hanggang San Mateo sa lalawigan ng Rizal at ang West Valley Fault o Marikina West Valley Fault na may habang 129.47-kilometro mula sa Dona Remedios Trinidad sa Bulacan na dadaan sa lungsod sa Marikina, Quezon City,Pasig, Taguig, Muntinlupa hanggang Calamba Laguna.
Ang problema sa atin Kapanalig, nakikita na ang mga crack sa kahabaan ng West Valley Fault, ibig sabihin, bawal ng tumira ang mga tao at magtayo ng mga gusali sa area… Walang sumusunod, walang naniniwala sa babala. Sinasabi ng mga eksperto, ang mabisang pag-iwas para maging ligtas sa mga natural disaster ay ang pagiging handa at pagdarasal..Hindi po akma dito ang kasabihang kapag oras mo na, oras mo na.
Sa ating paghahanda Kapanalig, pagnilayan natin ang “Matthew 8:26–“He replied, ‘You of little faith, why are you so afraid?’ Then he got up and rebuked the winds and the waves, and it was completely calm.”
“Jeremiah 29:11-“For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.”
Sumainyo ang katotohanan.