20,485 total views
Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya mabanaag man lang ang “good news”?
Nai-download mo na ang iba’t-ibang platform sa social media? pero mailap, hindi mo pa rin nasulyapan ang “good news”.
Kapanalig, good news ba sayo ang balitang umabot sa 4.3-percent ang unemployment rate na katumbas ng 2.17-milyong katao sa buong Pilipinas ang walang trabaho noong nakalipas pa na Enero 2025?
Noong April 14, 2025…Lumabas sa survey ng Social Weather Station na 14.4-milyong Pilipino na ang nagugutom…Naitala sa survey na 62-percent ng taga-Visayas ang dumaranas ng kagutuman, 60-percent sa Mindanao; 46-percent naman sa Luzon habang 41-percent sa Metro Manila. Kapanalig, ito ba ay good news?
No comment! … wala tayong pakialam, hindi tayo apektado o kabilang man tayo sa mga dumaranas ng kagutuman ay sasabihin natin, wala tayong makakagawa.
Kapanalig, good news ang negatibong ulat na ito… Ito ay katotohanan, reyalidad, totoong nagaganap… Ito ay patunay na palpak ang ating mga lider sa Pilipinas… Wala silang ginagawa., Hindi sila karapat-dapat na maging lider natin… At patunay din ito na tayong mga Pilipino ay nagkamali naman sa pagpili ng ating mga lider.. Ang hindi magandang balita ay good news.. dahil dito ay matuto
tayo sa ating pagkakamali.
Maraming good news Kapanalig na nagaganap, hindi lang natin napapansin… maaring nakakatutok lang tayo sa good news para sa ating sarili.
Maaaring sa ating “social media life”…, good news na sa atin ang mapatawa sa mga walang katuturang video reels. Mga walang kabuluhang social media content, mga fake news.
Ang pinaka-magandang balita… Nabalitaan mo ba Kapanalig ang “good news”? “Jesus Christ has risen!
Nabuhay ang panginoong Hesus matapos mamatay sa krus upang tayo sa iligtas sa mga kasalanan..Sa kanyang muling pagkabuhay, nais ng panginoong Hesus na tayo ay magbalik-loob sa kanya, magsisi sa nagawang kasalanan… at tanggapin siya bilang “Lord and saviour”.
“Believe on the Lord Jesus Christ, and thou shalt be saved” (Acts 16:31). Thomas answered and said unto [Jesus], My Lord and my God” (John 20:28).
Good news, nabuhay ang panginoong Hesus… ang manunubos sa ating mga kasalanan., ang ating liwanag at pag-asa.
Kapanalig, anuman ang ating hinaharap sa araw-araw, anuman ang ating dinaranas na pagsubok., hindi alam kung ang mangyayari kinabukasan., Buhay ang panginoong Hesus., siya ang ating pag-asa.
Sumainyo ang Katotohanan.