225 total views
Panibagong hamong haharapin bilang lingkod ng Diyos ang pagtanggap ni Archbishop-elect Angelito Lampon sa pagkakatalaga sa kaniya ni Pope Francis bilang bagong Arsobispo ng Cotabato.
“We see this as My Journey of Faith on my part. Will I be Obedient to God? Will I give my all to Him?,” ayon kay Archbishop-elect Lampon sa panayam ng Veritas Pilipinas ng Radio Veritas.
Si Archbishop-elect Lampon ay itinalaga ng kaniyang kabanalan Francisco bilang arsobispo ng Cotabato kahalili ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo.
Ito ay makaraang tanggapin na ng kanyang kabanalan Francisco ang pagbibitiw ni Cardinal Quevedo na isinumite apat na taon na ang nakalipas nang maabot niya ang canonical retirement age na 75.
Sa kasalukuyan si Cardinal Quevedo ay 79 na taong gulang.
Ayon sa bagong talagang arsobispo, bagama’t 97 porsiyento ng populasyon ang Jolo kumpara sa Cotabato na higit sa 40 porsiyento ay higit na mas malawak ang nasasakop nito bilang Arkidiyosesis.
“Kahit saan ka, there is always a particular challenge. And for me, this is more of a journey of faith for me to transfer residence from Jolo to Cotabato. Of course the pastoral challenged are there and among many others probably. But for me this is very personal the call of God, of Jesus to his Church for me to relocate to Cotabato,” ayon kay Archbishop-elect Lampon.
Si Archbishop Lampon ang 21 taong naging Obispo ng Apostolic Vicariate ng Jolo.
Itinakda naman ang installation ng bagong Arsobispo ng Cotabato na si Archbishop-elect Lampon sa ika-31 ng Enero ng susunod na taon.
Si Archbishop-elect Lampon ay isinilang noong March 1, 1950 sa M’lang, Cotabato. Siya ay nagtapos ng philosophy sa ATeneo de Manila University; Theology sa Loyola School of Theology sa Quezon City.
Taong 1997 nang italagang obispo ng noo’y si Pope John Paul II si Archbishop-elect Lampon bilang apostolic vicariate of Jolo, Sulu.
Sa kasalukuyan si Archbishop-elect Lampon ang chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-Episcopal Commission on Ecumenical Affairs.
Sa paglipat ni Archbishop-elect Lampon sa Cotabato may sampu ng diyosesis ang ‘sede vacante’ o walang nakaupong obispo kabilang na dito ang mga diyosesis ng Butuan, Daet, Ilagan, Iligan, Isabela de Basilan, Malolos, Military Ordinariate, San Jose de Antique, San Jose Mindoro, at Jolo Sulu.
Dalawa pang obispo sa Mindanao ang nasa retirement age na 75 kabilang sina ni Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma, 75; at Pagadian Bishop Emmanuel Cabajar 76.
Itinatakda sa canon law ang ‘retirement age’ na 75.