528 total views
Ito ang panawagan ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David kasunod ng panibagong kaso ng pagpaslang sa tatlong indibidwal na kinabibilangan ng batang siyam na taong gulang sa Navotas City.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook page, ikinalulungkot ng pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang patuloy na kaso ng karahasan na nagiging normal na lamang sa lipunan.
Iginiit ni Bishop David na hindi dapat hayaan ng sinuman na manaig ang anumang uri ng karahasan tulad ng katanggap-tanggap na pagpaslang sa mga inosenteng indibidwal.
“Let us not allow our humanity to continue to be diminished by accepting these acts of violence as normal. They are cruel, abnormal, and inhuman!” panawagan ni Bishop David.
Ibinahagi ni Bishop David na ika-15 ng Oktubre, 2022 ng maganap ang pamamaril ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin sa isang sari-sari store sa Kalsada Street, Tangos South, Navotas City na ikinamatay ng tatlong katao.
“Two unidentified assailants fired their guns at their targets who were inside a sari-sari store along Kalsada Street, Tangos South, Navotas city last October 15. The killings happened in one of our mission stations, the San Rafael Mission in Bgy Tangos South in Navotas city, and were reported to me by the parish priest of San Roque de Navotas, Fr Efren Reyes, MJ. The mission chaplain assigned in the station is his young confrere in the Missionaries of Jesus, Rev MJae Paguyo, MJ.” Pahayag ni Bishop David.
Nasawi sa pamamaril ang 30-taong gulang na si Jomarie Flores, siyam na taong gulang na anak na si Jaycee at mamimili sa tindahan na si Gerardo Garcia.
Hinamon din Bishop David ang lokal na pamahalaan at mga otoridad na seryosohin ang pagbibigay katarungan sa mga biktma.
Umaasa ang Obispo na hindi mapabilang sina Jomarie, Jaycee at Gregorio sa mahabang listahan ng mga biktima ng karahasan na patuloy na naghihintay ng katarungan.
Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman ng mga otoridad na si Jomarie Flores ay nagsampa ng kaso sa Department of Labor and Employment (DOLE) laban sa dating pinapasukang kumpanya sa kabiguang ibigay ang kanyang separation fee.