263 total views
Kinilala ng kanyang Kabanalan Francisco ang kahalagahan ng nursing profession sa pangangalaga ng kalusugan ng mamamayan.
Nakiisa naman ang Filipino Nurses United (FNU) sa lahat ng mga nurse sa buong mundo sa pananawagan sa World Health Organization (WHO) na palakasin ang mga alituntunin sa pagpigil sa kumakalat na novel coronavirus (nCOv) upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga healthcare workers.
“Nurses being in the front line of the battle against this deadly virus are clearly the most vulnerable in catching infection thus our call for a more prompt, vigorous and unequivocal approach by our respective governments”, pahayag ni Maristela Abenojar, pangulo ng FNU.
Una nang nanawagan ang Global Nurses United sa WHO kaugnay sa epekto ng nCOv dahil sa mabilis na paglaganap ng virus kung saan mahigit sa 700 na ang namatay habang higit sa 20-libo katao na rin ang infected lalu na sa china.
Umaasa naman ang FNU na tutugunan ng gobyerno ang wastong pamamaraan na matiyak ang kaligtasan ng mga health workers na nahaharap sa panganib dulot ng virus.
“Filipino nurses, in general, have always strove to give the best care possible even under dire circumstance of working much for so little pay,” ayon naman kay FNU vice-president Eleanor Nolasco.
Idineklara rin ng WHO ang taong 2020 bilang Year of the Nurse bilang pagkilala sa pinakamahalagang gawain ng kanilang sektor sa pagpapaunlad ng kalusugan ng mamamayan.