176 total views
Ito ang “unsolicited advice” ni Father Jerome Secillano, executive secretary ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Permanent Committee on Public Affairs kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinagdarasal ni Father Secillano na sa susunod na limang taon ay dapat nang mag ‘tone down’ ang pangulong Duterte at matutong makinig din sa mga kritiko.
Inihayag ng pari na ang konsepto ng pamamalakad ng pangulo sa nakaraang taon ay hindi dapat maging sistema ng kanyang pamumuno lalu na sa usapin ng ‘war on drugs’.
“We are hoping, ito ay unsolicited advice. He should be more welcoming of some other peoples ideas, he should be more focus sa mga ipinangako na sana ay maisakatuparan dahil yun ang pinanghahawakan ng mga Filipino. And for the next 5 years sana i-tone down ang rhetorics at mga gawa laban sa human rights, hindi naman kasi ang pinag-uusapan, kahit nga hayop may karapatan. So sana naman ay irevise niya, for the next 5 years I assess niya kung yung ginagawang stratehiya laban sa droga kung effective,”pahayag ni Father Secillano sa Radio Veritas.
Itinatanong ni Father Secillano kung naging epektibo ang kampanya at tuluyang nawala ang kalakaran na droga sa bansa.
“Effective dahil nababawasan and then, but the drugs epektibo bang nawawala. So for the next five years, focus more not on the small people doing drugs but on the source of drugs, dapat yung ang tutukan para doon mismo sa roots mawala na agad.”dagdag pahayag ng pari
Unang kinondena ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio David ang patuloy na pagtaas ng mga nasasawi dulot ng vigilante killings at hanggang ngayon ay hindi pa rin natutukoy ng pulisya kung sino ang mga salarin.
Read: http://www.veritas846.ph/pananahimik-ng-pnp-sa-laganap-na-ejk-pinuna/
Magugunitang unang nagsagawa ng kilos protesta ang mga estudyante ng St. Scholastica’s College bilang pagtutol sa mga pagpaslang partikular na ang mga pinaghihinalaang lulong sa droga na base sa monitoring ng Amnesty International na umaabot sa 12 libo.