Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tore-toreng pabahay para sa mahihirap?

SHARE THE TRUTH

 1,048 total views

Mga Kapanalig, ilang araw bago ang kanyang ikalawang State of the Nation Address (o SONA), nilagdaan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ang isang kautusang magiging daan daw upang magkaroon ng disenteng bahay ang mga Pilipino. 

Idineklara ng Executive Order No. 34 ang Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program (o 4PH) bilang flagship initiative o pangunahing programang pabahay ng gobyerno. Ipatutupad ito ng Department of Human Settlements and Urban Development (o DHSUD). Inatasan ng pangulo ang lahat ng ahensya ng gobyerno gayundin ang mga lokal na pamahalaang suportahan at makipagtulungan sa DHSUD upang magtagumpay ang pagpapatupad ng 4PH. Gagawin nila ito sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga lupang maaaring pagtayuan ng mga proyektong pabahay. Sa tulong naman ng Department of Environment and Natural Resources, ang mga nakatiwangwang na lupang pagmamay-ari ng gobyerno ay maaaring isailalim sa tinatawag na presidential land proclamation upang pagtayuan din ng mga pabahay. 

Mabuti ang layunin ng 4PH, lalo na’t target nitong bawasan—kung hindi man burahin—ang tinatawag na housing backlog sa bansa. Sa opisyal na datos ng gobyerno, ang housing backlog sa bansa ay nasa 6.5 milyong units. Ganitong karaming bahay ang kailangang maipatayo upang ang mga walang sariling tahanan ay magkaroon ng matatawag nilang sa kanila. Kaya ang ambisyon ng DHSUD ay ang magtayo ng isang milyong units sa bawat taon sa loob ng anim na taóng termino ng Presidente BBM. 

Ngunit kung babalikan ang mga naunang pahayag ng DHSUD at ang mga proyektong inilunsad kasama mismo si PBBM, ang mga ipatatayo ng DHSUD ay mga high-rise building o mala-condominium, katulad ng mga nagsusulputan sa maraming lungsod. Kung ganito lang ang uri ng pabahay na iaalok ng gobyerno, paano naman ang mahihirap na pamilyang hirap na hirap mairaos ang kanilang bawat araw? Kaya naman daw ibaba ng DHSUD sa tatlong-libong piso ang bayad sa mga unit kada buwan, ngunit gaano ito katotoo? Saan kukuha ng pera ang gobyerno? Abot-kaya pa rin ba ito sa mga maralitang tagalungsod? May agam-agam ding gagamitin ang mga ipoproklamang lupa upang pagtayuan ng mga high-rise. Paano kung may mga nakatira nang pamilya sa mga lupang ito? Paalisin ba sila kapag ipatatayo na ng DHSUD ang mga pabahay nito?  

Maraming ibang paraan upang mabigyan ng pagkakataon ang mga Pilipinong pamilya, lalo na ang mahihirap, na magkaroon ng sarili nilang tirahan—bahay na abot-kaya, ligtas, at sapat para sa kanila. Nariyan ang tinatawag na Community Mortgage Program (o CMP) na nagbibigay ng murang pautang sa mga komunidad na nais bilhin ang pribadong lupang kinatitirikan ng kanilang mga bahay. Sa mga lupa ng gobyernong isasailalim sa proklamasyon, maaari ding ipamahagi sa kanila ang lupa, saka susundan ng paghahatid ng mga batayang serbisyo katulad ng legal na koneksyon ng kuryente at tubig. Hindi na kailangang magtayo ng matataas na gusali lalo na’t mahal ang magiging mahal ang presyo ng mga unit sa mga ito. Pwede ring bigyan ng sapat na pondo ang mga lokal na pamahalaang nais magtayo ng kani-kanilang proyekto kasama ang mga grupong katulad ng Gawad Kalinga at mga NGO. Maging bukás sana ang DHSUD sa ibang pamamaraan lalo na’t mukhang hindi nito maaabot sa unang taon ni Pangulong BBM ang target na isang milyong unit na gusto nitong ipatayo. 

Mga Kapanalig, noong 2015, sinabi ni Pope Francis na walang makapagbibigay-katwiran sa kawalan ng pabahay. Kumakatok sa pintuan ng gobyerno ang mga kababayan nating walang sariling tirahan—kabilang ang mga walang-wala sa buhay, ang mga maralitang kasama sa pinakaaba sa lipunan, gaya ng ipinahihiwatig sa Mateo 25:40. Hindi lahat ay naghahanap ng libreng pabahay, ngunit gawin sana itong tunay na abot-kaya at abot-kamay. 

Sumainyo ang katotohanan. 

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ningas-cogon

 38,838 total views

 38,838 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »

Job Mismatches

 49,913 total views

 49,913 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 56,246 total views

 56,246 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 60,860 total views

 60,860 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 62,421 total views

 62,421 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ningas-cogon

 38,839 total views

 38,839 total views Kapanalig, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Job Mismatches

 49,914 total views

 49,914 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mining

 56,247 total views

 56,247 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasabwat sa patayan

 60,861 total views

 60,861 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang magagawa o hindi handa?

 62,422 total views

 62,422 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 43,536 total views

 43,536 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mental Health Awareness Month

 66,198 total views

 66,198 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Oktubre ay Mental Health Awareness Month. Layunin nitong bigyang-pansin ang mga usaping may kinalaman sa mental health at labanan ang stigma o mga negatibong pagtingin tungkol sa sensitibong paksa na ito.  Ang mental health ay state of wellbeing o kalagayan ng kagalingan ng isang indibidwal kung saan naaabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pananagutan sa kalikasan

 71,774 total views

 71,774 total views Mga Kapanalig, pinaalalahanan tayo ni Pope Francis sa Laudate Deum tungkol sa realidad ng climate change: “It is indubitable that the impact of climate change will increasingly prejudice the lives and families of many persons. This is a global social issue, and one intimately related to the dignity of human life.” Climate change

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Salamat, mga VIPS

 77,255 total views

 77,255 total views Mga Kapanalig, nagpapasalamat ang ating Simbahan sa mga VIPS. Hindi po natin tinutukoy dito ang mga “very important persons”, isang katagang ikinakabit natin sa mga taong may mataas na katungkulan, may natatanggap na mga pribilehiyo, o mga sikat na personalidad. Pero maitutuing din na very important persons ang mga pinasasalamatan nating VIPS. Ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAYANIHAN

 88,368 total views

 88,368 total views BAYANIHAN… Ito ay kumakatawan sa napakagandang kultura at kaugalian nating mga Pilipino…Kultura kung saan ang isang ordinaryong Pilipino ay nagiging bayani (heroes). Kapanalig, ibig sabihin ng BAYANIHAN ay “community service” o pagdadamayan, sama-samang pagtutulungan upang malampasan ang anumang kinakaharap na krisis at kalamidad… Pagtulong sa kapwa na walang hinihingi at hinihintay na kapalit

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NINGAS-COGON

 84,367 total views

 84,367 total views KAPANALIG, ang salitang “NINGAS-COGON” ay tumutukoy sa ugaling Pilipino … Masigasig at masipag sa simula lamang, ngunit walang natatapos sa kalaunan (NEVER TO FINISH WHAT THEY STARTED). ANG “NINGAS-COGON” AY karaniwang maihalintulad sa mga “hearing in-aid of legislation” ng Kongreso na binubuo ng Mababa(Kamara) at Mataas(Senado) na Kapulungan ng Kongreso. Kadalasan, ang Kongreso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagtigil sa mother tongue-based education

 72,069 total views

 72,069 total views Mga Kapanalig, noong ika-10 ng Oktubre, naisabatas (o nag-lapse into law dahil hindi nilagdaan ni Pangulong BBM) ang Republic Act No. 12027 na ibinabalik sa wikang Filipino ang pagtuturo sa mga estudyante. Optional na lang ang paggamit sa tinatawag na mother tongue o ang nakagisnáng wika ng isang bata. Noong 2013, kasabay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa atin nakasalalay ang kalidad ng pulitika

 80,551 total views

 80,551 total views Mga Kapanalig, sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, binigyan ni Pope Francis ng positibong mukha ang pulitika.  Aniya, “[p]olitics… must make room for a tender love of others.” Ang pulitika ay dapat magbigay ng puwang para sa magiliw na pag-ibig sa iba. Ang ganitong uri ng pag-ibig, dagdag ng Santo Papa, ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga bunga ng ating paglimot

 73,610 total views

 73,610 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Senador Juan Ponce Enrile. Nag-ugat ang kasong ito sa alegasyong sangkot siya sa maling paggamit ng kanyang pork barrel (o pondong natatanggap bilang senador) mula 2004 hanggang 2010. Aabot sa 172.8 milyong piso ang sinasabing naibulsa ng dating senador at kanyang mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagkain para sa lahat

 80,534 total views

 80,534 total views Mga Kapanalig, ginugunita ngayong October 16 ang World Food Day. Ngayong 2024, ang tema ng World Food Day ay “Right to foods for a better life and a better future.” Ayon sa Universal Declaration of Human Rights, isa sa mga pangunahing karapatang pantao ang pagkain. Pero sinabi naman ng Food and Agriculture Organization

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top