8,976 total views
Kinilala ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang pagbabawal ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa lahat ng aktibidad ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa Pilipinas.
Ayon sa Obispo, tama ang desisyon ng Pangulo sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) upang mapabuti ang ekonomiya at mabawasan ang krimen sa Pilipinas.
“The decision of our President Ferdinand Marcos Jr to finally shutdown Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) should be applauded. It is good for our country, particularly in the midst of its allegedly linked to activities of crimes, scams, and torture. This move of President Marcos is not only the right decision. It is the best decision,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.
Ayon sa Obispo, sa tulong ng deklarasyon ng Pangulo, mababawasan din ang mga kaso ng prostitusyon, ilegal na droga, scams at torture hindi lamang sa mga Pilipino kungdi pati narin sa mga Chinese Nationals na nabibiktima ng human trafficking.
Labis din ang pasasalamat ni Bishop Santos dahil ipinapakita ng hakbang ni Pangulong Marcos ang pagpapahalaga sa kasagraduhan ng buhay dahil sa pamamagitan ng pagbabawal ay mababawasan pa ang mga kaso ng pagpatay na may kaugnayan sa POGO.
“By getting rid of POGO, we save lives by eliminating this grip of vice from our surroundings seeking to squeeze the morals out of us, If our life is to resemble that of Christ, we must avoid all types of vices and everything that would hinder our perfect conformity to Christ, thereby making the future of our people brighter, better and bigger. Laudate Deum,” pahayag ni Bishop Santos.
Umani din ng suporta sa mga mambabatas ang pahayag ng Pangulong Marcos sa kanyang SONA.
Sa datos ng Philippine National Police noong 2023, simula noong 2019 hanggang 2022 ay umaabot sa 102 ang kaso hinggil sa paglabag ng POGO sa batas.