260 total views
Hinamon ni Ecumenical Institute for Labor, Education and Research Founding Board Member Sister Emelina Villegas ang gobyerno na ilabas ang totoong unemployment rate dahil maaari nilang manipulahin ang mga nakukuhang datos.
Ayon kay Sister Villegas, hindi dapat dumepende at hayaang magdikta sa tao ang lumalabas na resulta ng mga survey kaugnay sa kawalan ng trabaho sa bansa dahil maraming Filipino pa rin ang patuloy na nakararanas ng kahirapan dahil sa kawalan ng hanap-buhay.
“First of all, ‘yung increase-decrease n’yan ay depende pa rin sa statistical maneuvering ng government. In actuality it is really going up, ‘yung unemployment. Ang proof noon, everyday thousands of Filipinos are leaving. ‘Yun nga ang suggestion ng mga OFW sa kanya [President Duterte] na to create jobs so that we don’t have to go out,” pahayag ni Sr. Villegas.
Sa tala ng Philippine Statistics Authority noong January 2017, umakyat sa 6.6-porsiyento ang unemployment rate sa bansa, mas mataas kumpara sa 5.7-porsiyento noong nakaraang taon.
Ipinahayag din ni Sister Villegas ang mariing pagtutol sa isinusulong ng gobyerno na pagsasailalim sa agency ng mga empleyado sa hallip na direkta itong magtatrabaho sa kanyang employer dahil malinaw na paglabag ito sa karapatan ng mga manggagawa.
Sa panlipunang katuruan ng Simbahang Katolika, kung mabibigyan ng sapat at marangal na trabaho anglahat ng mamamayan ay maghahatid ito kaunlaran hindi lamang sa bansa kundi maging sa pamilya ng mga nangangailangan.