379 total views
Nagpasalamat ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) sa pagsuspindi sa “No Vaccine No Ride Policy sa Metro Manila.
Ayon kay FEJODAP National President Ricardo Rebaño, makakatulong ang hakbang ng Department of Transportation o DOTr upang makabawi sa kita ang mga Jeepney driver at operatos na nakaranas ng pagkalugi ng dahil sa pagbabawal ng anumang uri ng public transportation noong umiral ang Enhance Community Quarantine.
“Kami po ay nagpapasalamat unang una ngayong malapit ng ipatupad ang alert level 2 ay madadagdagan po yung kita kahit papano ng mga driver at operator,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Rebaño.
Pangako rin ni Rebaño ang pagsunod ng mga miyembro ng FEJODAP sa mga ipinatutupad na panuntunan ng pamahalaan kung saan patuloy na pangangalagaan ang kapakanan ng mga commuters, mamamayan at mga manggagawa sa transport sector.
Inihayag ni Department of Transporation (DOTr) Assistant Secretary Goddess Libiran ang pagpapatupad ng Alert Level 02 status sa National Capital Region simula sa February 01 hanggang 15 kabilang ang Biliran, katimugang Leyte, Rizal Province, Cavite, Bulacan Batanes at Basilan.
Ika-17 ng Enero ng pairalan ng DOTr ang no vaccine no ride policy sa Metro Manila sa kabila ng mga naging panawagan ng ibat-ibang grupo na maari nito labagin ang karapatang pang-tao.
Unang ipinabatid ni Military Ordinariate of the Philippine Bishops Oscar Jaime Florencio sa bawat mamamayan na ang pagpapatupad ng mga patakaran na kagayang ng ‘no vaccine no ride policy’ ay pinaiiral upang mas mapangalagaan ang kalusugan ng nakakarami mula sa banta ng Corona Virus Disease.