200 total views
Ito ang tiniyak ng pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa ginanap na ikalawang press briefing sa Quiapo church.
Ayon kay Bro. Nick Salimbagat, Parish Pastoral Council President, limang buwan ang inilaan nilang paghahanda para sa traslacion na gagawin ngayong taon.
Inihayag ni Salimbagat na inaasahan ng pamunuan ng Quiapo church 20-porsiyentong pagtaas ng mga debotong makikilahok sa traslacion na tinatayang aabot ng 12 hanggang 15-milyon.
Kaugnay nito, tiniyak ni Salimbagat na nakahanda na ang anim na grupo ng mga IJOS na may hawak ng kani-kanilang balangay o grupo ng mamasan.
Sinabi ng PPC president na maayos ang kanilang pakikipagpulong at pakikipag-ugnayan sa ibat-ibang ahensiya ng pamahalaan na tutulong para maging matagumpay ang Traslacion 2017.
90-tauhan ng Bureau of Fire and Protection ang ikakalat sa dadaanan ng prusisyon.
Ang Philippine Coastguard naman ay mayroong 20- floating assets na nakaantabay sa Jones bridge para sa kaligtaasan ng mga deboto na dadaan sa tulay.
Magde-deploy naman ang Department of Public Works and Highways ng 40-tao sa Jones bridge na pipigil na mahatak ang andas sa McArthur bridge na under construction at under repair sa kasalukuyan.
Inihayag naman ni Department of Public Service chief Lillybelle Borromeo na magpapakalat ang kanilang tanggapan ng 200 street sweeper sa ruta ng prusisyon para matiyak ang kalinisan.
Tiniyak naman Malou Geralde ng Quiapo Medical Committee mayroon silang nakaantabay na 110 hanggang 175 mga ambulance, 75 firetrucks at 25 mga rescue assistance team.
Iniulat naman ni Salimbagat na 33-ministries at organization sa Quiapo church ang nagtutulungan para sa ikatatagumpay ng traslacion 2017 na may temang “pag–ibig ang buklod ng ganap na pagkakaisa”.
Samantala, ang “traslacion 2017” ay gagawin sa apat na lugar sa bansa.
Read: http://www.veritas846.ph/traslacion-gagawin-sa-apat-na-lugar-sa-bansa-sa-january-9-2017/