21,189 total views
NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber shops.. sa mga saloon..sa mga kalye, sa mga eskinita, saan mang panig ng bansa… In ka ba Kapanalig? Inform ka ba sa mga nagaganap sa ating paligid?
In ka KAPANALIG kapag ikaw nasa TIKTOK, marami ang iyong followers at subscribers sa YOUTUBE, sa FB., sa Instagram., kumikita ang iyong Social Media channels.. Madalas, 90-percent sa mga video reels sa social media ay walang katuturan ang nilalaman, pero patok pa rin. Bakit marami pa rin ang tumatangkilik kahit fake news, o di kaya ay tsismis?
Sabagay Kapanalig, tayong mga tao ay mababaw lang ang kaligayan., In sa atin ang mga green jokes., In sa atin ang mga video na may konting kahalayan. Hindi ba natin nahahalata na nalilinlang tayo ng mga social media content? Ang reyalidad, hindi na natin mapagtanto kung alin ang totoo at hindi sa social media. Dahil sa Artificial Intelligence, nadodoktor na ang katotohanan., ang mga impormasyon na lumalabas sa social media ay “tailor made” na, ayon sa ating kagustuhan.
“Mindsetting”, ito naman ang gawain ng social media trolls. Kapanalig, narinig mo ba na mayroon ng TROLLs company sa bansa? Nakakabahala na ang pagpapalaganap ng “fake news”, paninira sa kapwa ay ginawa ng trabaho, pinagkakakitaan, nagiging negosyo na.
Mayroong paalala sa atin ang yumaong Santo Papa-Pope Francis, “To be properly informed, to be helped to understand situations based on scientific data and not fake news, is a human right. Correct information must be ensured above all to those who are less equipped, to the weakest and to those who are most vulnerable.”
Panlilinlang…Kapanalig, 17-araw na lamang ay dadagsa sa mga voting precinct sa Pilipinas ang record-breaking na 68,431,965 registered voters o botanteng Pilipino para sa 2025 midterm national and local elections.
Pero early February at March ay naglalabasan na ang iba’t-ibang survey na nagsasabing sino-sino ang papasok sa top 12 ng Senatorial candidates, ano-anong partylist group ang nangunguna sa listahan ng mga botante, sino-sinong congressional candidates, mayors, governors ang mananalo sa halalan.
Ang mga survey na ito ay isang uri ng “mindsetting”.. ang lumalabas sa mga survey ay patunay na lamang na hindi pa rin nagbabago ang kultura nating mga Pilipino sa pagboto. Kapanalig, ang mga winner sa survey halimbawa sa Senado ay mula sa political dynasty, artista, at mga re-electionist.
Nakakalungkot lamang, ibinabase ng marami sa atin ang pagpili sa ibobotong kandidato sa TREND, kung ano ang lumalabas sa survey, kung sino ang trending sa social media… yun din ang pagbabasehan natin.
Kapanalig, paulit-ulit nating inihahal si Lito Lapid… si Bong Revilla…pinaka-latest si Robin Padilla, mga miyembro ng political dynasty, si Bato dela Rosa., si Bong Go dahil ba sila ay sikat sa social media? Ang latest, tatlong Tulfo ang mauupong Senador kung pagbabasehan natin ang survey.
Sa May 12, 2025 midterm election Kapanalig, umaasa tayo na alamin natin kung ang iboboto at ihahalal nating opisyal ay mga nagawa bang kapaki-pakinabang para sa kapakanan nating mga Pilipino? Sayang lang ang ating boto sa mga walang silbi! Huwag tayong padadala sa survey, sa misinformation sa social media, sa kasikatan…sa mga makakapangyarihang pamilya.
Kapanalig, itinuturo sa atin ng Proverbs 12:22 “The Lord detests lying lips, but he delights in people who are trustworthy.” At John 8:32“And you will know the truth, and the truth will set you free.” – John 8:32
Sumainyo ang Katotohanan.