8,744 total views
Nakikiisa ang Caritas Philippines sa paggunita International Day of Charity tuwing September 05.
Tiniyak ni Jing Rey Henderson – Head of National Integral Ecology Program ng Caritas Philippines na ipagpatuloy ng advocacy arm ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang mga programa na magpapataas sa antas ng pamumuhay ng mga mahihirap.
Tinukoy ni Henderson ang Seven Alay Kapwa Legacy program na itinataas ang antas at dignidad ng pamumuhay ng mga tao.
Binubuo ang Alay Kapwa Legacy Programs, ng Alay Kapwa para sa Karungunan, Kalusugan, Kabuhayan, Kalikasan, Kalamidad, Kasanayan at ang Katarungan kapayapaan at mabuting pamamahala.
“On this International Day of Charity, Caritas Philippines reaffirms that true charity goes beyond mere dole-outs, Guided by our vision of empowered and resilient communities, we strive to create sustainable programs that uplift the dignity of every Filipino. Our mission is rooted in justice, accountability, and a deep love for the poor, ensuring that our efforts empower lives rather than perpetuate dependency,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Henderson sa Radio Veritas.
Pinapatatag din ng Caritas Philippines ang pakikipagtulungan sa iba pang ahensya upang mapatibay ang mga programa at patuloy na maisabuhay ang diwa ng kawanggawa.
“By working in solidarity, we commit to fostering integral human development and protecting the integrity of creation. Together, we can build a more just, peaceful, and thriving society for all,” bahagi pa ng mensahe ni Henderson.
Target ng Caritas Philippines ang 500 hanggang 2,500 na indibidwal na benepisaryo ng programa sa bawat diyosesis sa bansa.
Ang International Day of Charity ay ginugunita taon-taon upang kilalanin ang tulong at sakripisyo ng mga Charity Organization at simpleng pagsasabuhay ng kawanggawa upang mapabuti ang buhay ng mga pinaka-nangangailangan sa lipunan.