62,771 total views
Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko.
Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi tayo ng hindi masawatang “culture of corruption at dishonesty” sa bansa. Bakit? Tayong mga botante ang naghalal sa kanila,.. kinukonsente at nakikiayon din tayo sa mga maling gawain nila.
Taon-taon kapag tinatalakay ang national budget o pambansang badyet, natutuklasan ang malawakang korapsyon sa kaban ng bayan ng mga nasa executive, legislative at judicial branch ng gobyerno. Pero hanggang puna lamang., walang nakakasuhan at napaparusahan maliban na lamang kung hindi ka panig ng mga nasa poder, nang kasalukuyang administrasyon..”business as usual”.
TRUSTWORTHY… Matapos ang landslide na magkapanalo noong 2022 national elections, tumatag ang political alliance ng pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. at Vice-President Sara Duterte. Pero ang tinaguriang “marriage of convenience” sa pagitan ng dalawang political dynasties ay nabuwag dahil sa pagiging pro-US ni PBBM at pro-CHINA naman si VP Duterte.
Lumala ang iringan ng dalawang panig ng paboran ng pangulong Marcos ang imbestigasyon sa ama ni VP Sara na si dating pangulong Rodrigo Duterte na mastermind sa madugong drug war na sinasabi ng human rights international na ikinasawi ng 20,000 katao kung saan marami ay biktima ng extra-judicial killings.Lalo pang uminit ang tensiyon nang mabigo si VP Duterte na ipaliwanag sa House budget hearing kung saan nito ginamit ang 612.5-milyong pisong confidential intelligence fund ng Office of the Vice President at DSWD.
Dahil sa maling paggamit ng multi-milyong pisong confidential funds, Noong ika-2 ng December 2024, nagsampa ng consolidadted impeachment complaint laban kay VP Duterte sa Office of the House Secretary General sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang grupong Tindig Pilipinas, Magdalo, Mamamayang Liberal, dating Senador Leila de Lima, Fr. Flaviano Villanueva; Fr. Robert Reyes; dating peace adviser Teresita Quintos Deles; Francis Aquino-Dee; Randy delos Santos, uncle ng drug war victim na si Kian delos Santos; Leah Navarro; Sylvia Estrada Claudio at former Magdalo party-list congressman Gary Alejano.
Inaakusahan ng mga complainant si VP Duterte ng paglabag sa anti-graft laws at blatant abuse of power kung saan sinisira nito ang dignity at decency ng public service. Binigyan diin ng mga complainant na ang dating kasangga ng pangulong Marcos ay “guilty of culpable violation of the 1987 constitution, guilty sa graft at corruption, bribery,betrayal of public trust at iba pang high crimes.
Ang verified impeachment complaint laban kay VP Sara ay inendorso ni Akbayan Partylist Representative Perci Cendaña na ire-refer naman ng House Secretary General kay House Speaker Martin Romualdez para maisama sa order of business sa loob ng 10-sessions days simula ng matanggap ang reklamo at pagkatapos ay isusumite sa House Committee on Justice. Sa loob ng 3-session days ay aalamin ng House Committee on Justice kung sufficient in form and substance ang impeachment complaint. Kapag napatunayang sufficient in form ay aalamin din ng kumite kung sufficient ito in substance. Kapag napatunayang ng kumite in sufficient in form and substance ang verified impeachment complaint ay agad na bibigyan ng kopya ang mga complainant.
Kapanalig, the greatest leader of all time ay ang panginoong Hesus. Ayon sa Mark 10:45- “For even the son of man did not come to be served, but to serve, and give his life a ransom for many.
Sumainyo ang Katotohanan.