987 total views
Kapanalig, napakabilis ng urbanisasyon sa ating bansa. Hindi lamang ito nakikita sa National Capital Region, kung di sa ilan pang mga rehiyon sa bansa. Ang mabilis naur banisasyon ay may malaking implikasyon sa mga imprastruktura at serbisyong bansa, gaya ng tubig at sanitasyon.
Base sa opisyal na datos, 45.3% ang antas o lebel ng ating urbanisasyon. Ibig sabihin nito, base sa 2010 population census, 41.9 million ng ating 92.3 milyong populasyon ay nakatira na sa urban areas. Noong 2007, nasa 42% lamang ang lebel ng ating urbanisasyon.
Ang mabilis na urbanisasyon ay nag dadala hindi lamang ng kaunlaran, kundi ilang mga problema. Ang mga syudad sa ating bansa ay humaharap sa mga isyu ng pagsisikip, over crowding, mababang kalidad ng buhay at lumalaking mga informal settlements. At sapaglaki ng problema na ito, ang problema sa tubig at sanitasyon ay lumalaki rin.
Base sadatos ng 2014 Annual Poverty Indicators Survey (APIS), 85.5 percent ng 22.7 milyong pamilya sa ating bansa ay may access sa ligtas na suplay ng tubig mula sa community water system tungo sa kanilang sariling bahay, bakuran o sa mga pampublikong gripo o protected well o balon.
May natitira pang 14.5 percent of families nakumukuha ng kanilang water supply sa mga di ligtas na source gaya ng mga balong di nababatantayan, mga bukal, ilog, lawa, tubig ulan o sa mga nagbebenta ng tubig gamit ang tanker o trucks.
Pag dating naman sa sanitasyon, 94.1%ng mgapamilya ay may access sa sanitary toilet facility o mga kasilyas na nafa-flush at nakasara o close pit. Anim na porsyento naman ng pamilya ang gumagamit pa rin ng “open pit, drop or overhang” at de-buhos.
Kapanalig, kadalasan, ang mga kulang o walang access sa tubig o sanitasyon ay ang mga tunay na maralita. Sa mga urban areas, ang mga nakatira sa mga informal settlements ang karaniwang walang access sa tubig at sanitasyon. At dahil nga sa congested ang mga lugar na ito, ang mga pangangailangan sa ganitong batayang serbisyo ay nagiging mas matingkad.
Hindi nakailangangulitulitin pa nasa pag hangad natin ng modernisasyon at kaunlaran, hindi tayo dapat mang-iipit o mang-iiwan ng ating mga kababayan. Kahit ano pang linis ang gawin natin sa ating bakuran, kung madumi din ang ating lipunan, lahat din tayo ay magkakamantsa. Ang kakulangan sa tubig at sanitasyon ay hindi lamang problem ang iilan. Ito ay problema nating lahat dahil public health, kapanalig, ang nakataya din dito. Ang malinis at maayos na access to water and sanitation ay isang batayang karapatan. Ito ay dapat nating itaguyod dahil ito ay isang pamamaraan ng panlipunang katarungan at common good, mga prinsipyo ng ating pananalig bilang mga kristyanong katoliko. Ayon nga sa Laudato Si: Underlying the principle of the common good is respect for the human person as such, endowed with basic and inalienable rights ordered to his or her integral development. It has also to do with the overall welfare of society… The common good calls for social peace, the stability and security provided by a certain order which cannot be achieved without particular concern for distributive justice.