Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 434 total views

Homiliya para sa Ika-3 Linggo ng Karaniwang Panahon, 22 Enero 2023, Mat 4:12-23

Madilim ang sitwasyon para kay Hesus sa ating ebanghelyong binasa. Inaresto at ibinilanggo ng mga otoridad ang pinsan niyang propeta na si Juan Bautista. Ramdam na ramdam ang tensyon sa sitwasyon. Umalis daw siya sa Nazareth at doon daw siya nanirahan sa Capernaum, malapit sa Lawa ng Galilea.

Minsan talaga, may mga bagay na biglaang magpapabago sa takbo ng buhay natin sa ayaw natin at sa gusto. Merong parang domino-effect ang mga pangyayari, ayon sa kuwento ni San Mateo: babaguhin nito ang takbo ng buhay—ni Juan Bautista, ni Hesus, ng dalawang magkapatid: Simon at Andres, Santiago at Juan. Mayroong isa pang karakter na makararanas din ng bagong takbo ng buhay. Nasa background siya, pero hindi binabanggit ni San Mateo sa kuwento niya. Sino ba ang ang nasa bahay nila sa Nazareth na napakahalaga sa buhay ni Hesus na tiyak na maaapektuhan din ng takbo ng mga pangyayari: Edi si Mama Mary!

Alam nyo naman na mahilig akong mag-“reading between the lines” ng Banal na Kasulatan gamit ang imahinasyon. Kaya doon sa isinulat kong librong YESHUA, inilarawan ko doon ang eksena ng pag-alis ni Hesus mula sa Nazareth. Na halos ipagtulakan siya ng nanay niya, “Anak, parang awa mo na, lumayo-layo ka muna. Mainit ang sitwasyon. Kung inaresto ng mga sundalo ng gobernador ng Galilea ang pinsan mo, at alam nilang ikaw ang pinaka-kanang kamay ni Kuya Juan mo, siguradong markado ka na at pinaghahanap ka na rin. Alam mo namang malupit ang gobernador, di ba?Pinapapugutan niya ng ulo ang mga bumabatikos sa administrasyon niya.“

Parang ganoon din noong panahon ng martial law sa Pilipinas, noong isa-isang ipinabibilanggo ang mga oposisyon at sinumang kritikal sa gubyerno. Mabuti kung legal na inaareesto; ang iba pinaglalaho. “Desaparecidos” ang tawag sa kanila sa Latin America. Dinudukot, “sinasalvage”, hindi na lumilitaw. Hindi pa ginagamit noon ang salitang EJK. Nakakatakot. Kaya nauso noon sa mga aktibista ang salitang “lie low muna.” Parang ganoon ang sitwasyong hinaharap ni Hesus. Mainit, kailangan munang magpalamig. Nagmamanman ang mga otoridad, huwag munang lumantad, magtago muna, lumayo muna, magtungo doon kung saan hindi ka gaanong kakilala.

Sigurado akong mabigat din sa loob ni Hesus na lisanin ang Nazareth at iwan ang nanay niya. Palagay ko, sinabihan siya ni Mama Mary, “Huwag mo akong problemahin, anak. May kaunting ipon naman na iniwan ang Tatay Jose mo bago siya namatay. Basta umalis ka lang muna. Mas mamamatay ako sa pag-aalala sa iyo kung nandito ka.”

Kapag pinangunahan talaga tayo ng nerbyos tungkol sa mga biglaang pangyayari at delikadong sitwasyon, ang natural na reaksyon ay pagkatakot, pag-atras, paglayo, pagtatago, pananahimik. Pero hindi ganoon ang gagawin ni Hesus pagdating niya sa Capernaum. Imbes na magtago siya, lumantad siya. Imbes na tumahimik, nangaral siya. Imbes na magdili-dili nakipagkaibigan at humanap ng mga katropa.

Iyan ang pagkakaiba ng REAKSYON sa TUGON. Kahit sa Ingles, iba ang “reaction” sa “response”. Iyung reaksyon, halos automatic iyan—idinidikta ng sitwasyon, hindi pinag-iisipan. Ang tugon o response, hindi iyan automatic. Hindi nagpapadala sa sitwasyon kundi mulat at kusang loob na na sumasagot o tumutugon sa tawag ng sitwasyon. Iba iyan sa reaksyon; pinag-iisipan, kinikilatis, pinagninilayan, pinag-aaralan, dinidisisyunan at pinaninindigan.

Kaya sa kuwento ni Mateo, ang madilim na sitwasyon mismo ay magiging okasyon ng simula ng pagmimisyon ni Hesus, ng paglantad niya sa publiko at pangangaral ng mabuting balita. Ilalarawan ito ni San Mateo bilang “pagsikat ng liwanag”. Ewan kung napansin nyo, inulit pa nga ni Mateo ang orakulong binigkas ni Propeta Isaias sa ating unang pagbasa. Bakit? Ang Capernaum kasi ay parte ng mga rehiyon na binabanggit ni Isaias: Zebulun at Naphtali—dako ng Galilea sa may Lawa—lugar ng mga Hentil.

Ang orakulong ito ay binabasa natin kapag Krismas—“Ang bayang nabubuhay sa kadiliman ay nakatanaw ng isang matinding liwanag; ang mga binalutan ng anino ng kamatayan ay sinikatan ng bukang-liwayway.” Pati ang dating mensahe ni Juan tungkol sa pagdating ng paghahari ng Diyos binago ni Hesus. Hindi isang nakakatakot na parusa ang pahayag niyang darating kundi mabuting balita! At hindi iyung tipong hihintayin pa sa hinaharap. Ang kaharian ay narito na. Saan? Hindi sa langit kundi dito sa daigdig. Kailan? Hindi bukas o pagkamatay kundi NGAYON NA.

Sayang, kapag ang salita ay isinasalin, minsan nawawalan ng dating. Minsan malamya ang translation, hindi nasasapol ang ibig sabihin. Sabi niya sa Griyego, “Metanoiete, enggiken gar he basileia twn ouranwn.” Ang translation sa Ingles “Repent, for the kingdom of heaven is at hand.” Sa Tagalog, “Pagsisihan ang kasalanan, narito na ang kaharian ng langit.” Palagay ko ang angkop na translation ay, “Magbago ng kalooban.” Ibig sabihin, hindi reaksyon kundi tugon ang hinihingi ng sitwasyon. Padidilimin ng sitwasyon ang buhay natin kung hahayaan nating magpadala lang sa agos. Nasa atin ang desisyon—na lumabas sa liwanag imbes na magtago, magpalakas ng loob imbes na matakot, magpahayag ng pag-asa imbes na masiraan ng loob, na maghatid ng grasya sa gitna ng disgrasya, na simulan nang gawin ngayon na mismo ang pinapangarap na bukas.

Di ba ito ang itinuro niyang panalangin sa atin? “Mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit.” Mga kapatid, huwag nating sayangin ang maikling buhay at panahon natin; simulan na dito sa lupa ang pinapangarap nating langit.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Job Mismatches

 8,336 total views

 8,336 total views “Job-skills mismatches”, Kapanalig ito ang malaking problema sa Pilipinas na hindi pa rin natutugunan ng pamahalaan at education sector. Sa pag-aaral ng Philippine Business for Education (PBEd), malaki ang ambag ng “job-skills mismatches” sa umployment at underemployment sa bansa kung saan hindi napapakinabangan ang potensyal ng young workforce. Ayon sa Commission on Higher

Read More »

Mining

 14,669 total views

 14,669 total views Kapanalig, nararanasan natin sa Pilipinas maging sa buong mundo ang “climate crisis” na dulot ng climate change o nagbabagong panahon. Ang Pilipinas bilang tropical country ay dumaranas ng mahigit sa 20-bagyo kada taon na nagdudulot ng matinding pinsala sa ari-arian, kabuhayan at buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila ng banta ng climate

Read More »

Kasabwat sa patayan

 19,283 total views

 19,283 total views Mga Kapanalig, ganoon na lamang ba kababa ang pagpapahalaga natin sa buhay ng ating kapwa-tao na handa natin itong bawiin ng mga iniluluklok nating berdugo sa ngalan ng pagkakaroon ng payapa at ligtas na kapaligiran? Ganyan kasi ang mapapansin sa mga sentimiyento ng ilan nating kababayan habang isinasagawa ng Senate Blue Ribbon Subcommittee

Read More »

Walang magagawa o hindi handa?

 20,844 total views

 20,844 total views Mga Kapanalig, kasabay ng malakas na ulang dala ng Bagyong Kristine dalawang linggo na ang nakalilipas ang buhos ng batikos kay Pangulong Bongbong Marcos Jr.  Ika-23 ng Oktubre, kasagsagan ng pananalasa ng bagyo, nang bigyan ng situation briefing ng mga pinuno at kinatawan ng iba’t ibang ahensya si PBBM. Papalapit na noon ang

Read More »

Pagtulong na gumagalang sa dignidad

 36,744 total views

 36,744 total views Mga Kapanalig, bumuhos ang tulong sa mga kababayan nating lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine. Mula sa mga pribadong indibidwal at organisasyon hanggang sa mga ahensya ng ating gobyerno, sinubukang maparatingan ng tulong ang mga pamilyang nawalan ng bahay, kabuhayan, at maging ng mga mahal sa buhay. Nakalulungkot lang na may mga pulitikong sinamantala

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

“IGLESIA SIN FRONTERAS”

 5,410 total views

 5,410 total views (CHURCH WITHOUT BORDERS/ BOUNDARIES) Homily for the 26th Sun in Ordinary Time (B), 29 September 2024, Mark 9:38-43, 45, 47-48 In today’s Gospel, Jesus is telling us something that we may find disturbing. Perhaps as disturbing as the words Pope Francis said when he visited Singapore recently, about other religions as “paths to

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG PAG-IISIP NG DIYOS

 7,540 total views

 7,540 total views Homily for 24th Sun in Ordinary Time, 15 September 2024, Mk 8:27-35 Napagsabihan si Pedro sa ebanghelyo ngayon. Hindi daw ayon sa pag-iisip ng Diyos ang pag-iisip niya kundi ayon sa pag-iisip ng tao. Kung ako si Pedro baka nakasagot ako ng ganito: “with all due respect, Lord, paano akong mag-iisip na katulad

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

ANG KRUS NA SALAMIN

 7,539 total views

 7,539 total views Homiliya para sa Novena ng Santa Cruz, Ika-13 ng Setyembre 2024, Lk 6:39-42 Ewan kung narinig na ninyo ang kuwento tungkol sa isang taong mayaman ngunit makasarili. Dahil guwapo siya, matipuno at malusog ang katawan bukod sa successful sa career, mahilig daw siyang tumingin sa salamin para hangaan ang sarili. Minsan isang gabi,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

LAW OF MOTION

 7,541 total views

 7,541 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ika-23 Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Setyembre 2024, Lukas 6:27-38 Ang ebanghelyo natin ngayon ang siya na yatang pinakamahirap na doktrina ng pananampalatayang Kristiyano: MAHALIN ANG KAAWAY. Ito ang tunay na dahilan kung bakit nasasabi natin na MAS RADIKAL ANG MAGMAHAL. Mahirap kasing totohanin. Mas madali ang gumanti,

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

OPIUM OF THE PEOPLE

 7,537 total views

 7,537 total views Homily for Wed of the 23rd Wk in OT, 11Sept 2024, Lk 6:20-26 “It’s ok to suffer poverty and humiliation now. Anyway you will enjoy plenty and satisfaction in the hereafter…” Some Christians hold on to this kind of doctrine about a heavenly reward awaiting those who have suffered hell on earth. Is

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAPAPANAHON

 8,408 total views

 8,408 total views Homily for the 23rd Sunday in Ordinary Time, 08 September 2024, Mark 7:31-37 Isang kasabihan sa Bibliya, ang chapter 3 ng Ecclesiastes ang pagkukuhanan natin ng inspirasyon para sa ating pagninilay sa ebanghelyo ngayon. “May tamang panahon para sa lahat ng bagay, panahon para sa bawat gawain sa mundong ibabaw…May panahon daw para

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PANININDIGAN

 10,610 total views

 10,610 total views Homiliya para sa Ika-21 Linggo ng Karaniwang Panahon, 25 Agosto 2024, Juan 6: 60-69 Sa Misang ito ng ating Paggunita kay Santa Clara ng Assisi pagninilayan ang pagiging huwaran niya sa SAMA-SAMANG PAGLALAKBAY TUNGO SA KAGANAPAN NG BUHAY. Isa siya sa mga unang nagpahayag ng suporta kay Saint Francis nang talikuran nito ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKITA KITA

 10,643 total views

 10,643 total views Homiliya para sa Kapistahan ni San Bartolome, 24 Agosto 2024, Jn 1:45–51 “Bago ka tinawag ni Felipe NAKITA KITA sa ilalim ng puno ng igos.” Iyun lang ang sinabi ni Hesus. Hanggang ngayon hinuhulaan pa ng mga Bible scholars kung bakit napakatindi ng epekto ng sinabing iyon ni Hesus kay Nataniel o Bartolome.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

DAMAY-DAMAY

 11,997 total views

 11,997 total views Homily for the Feast of the Queenship of Mary, 22 August 2024, Lk 1,26-38 Isa sa paborito kong kanta sa blockbuster comedy film “Sister Act” ni Whoopi Goldberg ay ang “Hail Holy Queen Enthroned Above”. Hindi alam ng marami na ang kantang iyon ay isa sa pinakamatandang panalangin tungkol kay Mama Mary. Kilala

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BAON SA BIYAHE

 13,094 total views

 13,094 total views Homily for the 20th Sunday in Ordinary Time, 18 August 2024, John 6: 51-58 Sa ating mga Katoliko, ang huling basbas sa mga malapit nang pumanaw ay hindi lamang sinasamahan ng kumpisal at pagpapahid ng langis. Kapag kaya pa ng maysakit, binibigyan siya ng komunyon at ang tawag dito sa wikang Latin ay

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MALASAKIT

 17,303 total views

 17,303 total views Homiliya sa Pyestang San Roque, 16 Agosto 2924, Mateo 25: 31-40 Isang art work ang tumawag-pansin sa akin minsan. Gawa ito sa brass o tanso, hugis-taong nakaupo sa isang park bench, dinadaan-daanan ng mga tao. Minsan tinatabihan siya ng mga gustong magselfie kasama siya. Malungkot ang dating ng sculpture na ito—anyo ng isang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

PAGKAIN NG BUHAY

 13,022 total views

 13,022 total views Homily for the 19th Sunday in Ordinary Time, 11 August 2024, John 6:41-51 Kung minsan, may mga taong ayaw kumain, hindi dahil hindi sila nagugutom o wala silang ganang kumain kundi dahil wala na silang ganang mabuhay. Ganito ang sitwasyon ng propeta sa ating unang pagbasa ngayon. Nawalan na ng ganang mabuhay si

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

HANAPBUHAY

 14,391 total views

 14,391 total views Homiliya para sa ika-18 Linggo ng Karaniwang Panahon, 4 Agosto 2024, Juan 6:24-35 Sa Tagalog, “hanapbuhay” ang tawag natin sa trabahong pinagkakakitaan ng pera. Pero kung pera pala ang hinahanap, bakit hindi na lang tinawag na “hanap-pera” ang trabaho? Narinig ko ang sagot sa isang kargador sa palengke. Kaya daw hanapbuhay ang tawag

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MISSIONARY

 14,652 total views

 14,652 total views Homily for the Ordination of Hien Van Do, MJ and Dao Minh Pham MJ to the Presbyteral Ministry, 03 August 2024, Jn 15:9-17 87 MJ is your nomenclature for your identity as consecrated persons. Missionaries of Jesus. Let me share some thoughts on what, basically it means to be Missionaries of Jesus. It

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

NAKATATANDA

 23,345 total views

 23,345 total views Homiliya para sa World Day for Grandparents, 27 Hulyo 2024, Ika-17 Linggo ng Karaniwang Panahon, Juan 6:1-15 Ipinagdiriwang natin ngayon ang World Day for Grandparents and the Elderly. Ano sa Tagalog ang ELDERLY? NAKATATANDA. Kaya nagtataka ako kung bakit ina-associate ang pagiging matanda sa pagiging ulyanin o makakalimutin, gayong eksaktong kabaligtaran ang ibig

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top