2,940 total views
Kilalanin ang suliraning nararanasan ng kapwa upang mapukaw ang sarili na paigtingin ang pagtulong at mga inisyatibo na magtataas sa kalidad ng pamumuhay ng mga pinaka-nangangailangan sa lipunan.
Inihayag ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco na nararanasan ng bawat mamamayan ang ibat-ibang uri ng ‘gutom’ sa kanilang buhay.
Ito ay ang pagkagutom sa pangangailangang espiritwal, katarungan, kaalaman, edukasyon, pagmamahal at pag-unawa nang kapwa.
Ipinagdarasal ng Obispo na mapukaw ang bawat isa na maging mapagmahal sa kapwa upang maintindihan ang kinalalagyang sitwasyon at maging tagapamagitan upang sama-samang makamit ang pagkakapantay-pantay at katarungang panlipunan.
“Sa paggunita natin ng World Food Day atin binibigyan ng pansin hindi lang pangkaraniwang pagkain sa mga nagugutom sa sikmura, marami pang ibang klaseng kagutuman, maraming tao ay gutom sa katarungan, sa kaalaman (kulang sa edukasyon), gutom sa pagmamahal, pangunawa at minimithi nilang magbago ang sitwasyon sa mundo. gutom din yung iba sa pagtanggap sa kanila bilang kapwa na dapat kilalanin din sila,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.
Ito ang mensahe ng Obispo sa paggunita ng World Food Day kung saan unang tiniyak ng Caritas Philippines ang pagsusulong ng food sovereignty.
Read: https://www.veritasph.net/food-sovereignty-tiniyak-ng-caritas-ph/