235 total views
Inanyayahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na makiisa sa gaganaping 8th National Catholic Charismatic Congress.
Ito ay bilang bahagi ng ika-50 taong Anibersaryo ng Catholic Charismatic Renewal in the Philippines.
Tema sa gaganaping pagtitipon ang one body, one spirit, one Charis.
Ayon sa Kardinal, sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga Charismatic Renewal ay natutulungan ang mga mananampalataya na matuklasan ang tunay na plano ng Panginoon sa kanilang buhay.
“I enjoin all Charismatic groups throughout the country to be sure that you participate on the 8th National Catholic Charismatic Charismatic Congress from the 6th to the 8th of June 2019 discover of God’s plan for you in service of the Church with the theme One Body, One spirit, One Charis.” pahayag ni Cardinal Tagle.
Hinimok din ni Bro. Marcelino Catan – Congress President, ang mga maliliit na Charismatic groups na huwag palagpasin ang pagdiriwang at pagsasama-sama ng grupo ngayong Golden Jubilee ng Catholic Charismatic Renewal.
Sinabi ni Catan na ang pagdiriwang ay 3-in-1 event dahil bukod sa NCCC at ika-50 anibersaryo ng PCCR ay kasabay din nito ang kapistahan ng pagbaba ng Espiritu Santo sa mga alagad o ang National Pentecost Celebration.
“Ang event na ito ay napaka halaga para sa mga charismatic sa buong Pilipinas, kumbaga sa kape ay 3-in-1 ito. Yung National Catholic Charismatic Congress, this is held 2 to 3 years, pero meron pang kasabay ito na event at yan ang 50th or golden Jubilee ng Catholic Charismatic Renewal in the Philippines, binuksan ito last Pentecost 2018 at ang closing ng buong taon ay ngayon ding Pentecost. Ang ikatlo ay ang National Pentecost Celebration, ngayon gagawin lahat yang tatlong araw.” pahayag ni Catan sa Radio Veritas
Gaganapin ang mga pagdiriwang mula ika-anim hanggang ikawalo ng Hunyo sa El Shaddai International House of Prayer sa Parañaque City.
Inaasahang aabot sa tatlong libong mga mananampalataya ang makikiisa sa pagtitipon.