3,303 total views
Pinangunahan ng kinatawan ng Santo Papa Francisco sa Pilipinas sa pagdiriwang ng banal na misa para sa Kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia sa Minor Basilica and National Shrine of Our Lady of Peñafrancia, Naga City.
Sa kanyang pagninilay ibinahagi ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang mahalagang papel na ginagampanan ng Mahal na Birheng Maria bilang tagapamagitan at gabay sa higit na paglapit ng bawat isa sa Panginoon.
Ayon kay Archbishop Brown, mahalagang gawing huwaran at sundin ng bawat isa ang halimbawa ng Mahal na Birheng Maria na ina ng pagkakaisa, katotohanan at wagas na pagmamahal na buong pusong tinanggap ang tungkuling maging Ina ni Hesus na siyang manunubos.
Ipinaliwanag ng Arsobispo na mahalaga ang tungkuling ginagampanan ng Mahal na Ina upang higit na mapalalim ang relasyon ng bawat isa sa Panginoon lalo na sa gitna ng iba’t ibang mga hamon na kinahaharap sa buhay.
“Mary, Our Lady of Peñafrancia, is the mother of unity, the mother of truth, and the mother of love. That is why she is our mother and why we are so devoted to her because coming close to Mary always bring us close to Jesus; As on the cross, Mary is on the foot of the cross with Jesus” Ang bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.
Ibinahagi ng Papal Nuncio na isang hamon para sa bawat isa ang maging daluyan ng pagmamahal, katotohanan, pagkakaisa at kapatawaran para sa kapwa lalo’t higit para sa mga nangangailangan sa lipunan.
“Let us in our own families be sources of unity, of love, of truth, of forgiveness. Let all of us be people who speak the truth, who live the truth, who are not captivated and tricked by the father of lies. Let all of us try to be people of love, who love our brothers and sisters, and who also love those who do not love us” Dagdag pa ni Archbishop Brown.
Tinatayang umabot sa 1.3-milyong mananampalataya ang nakibahagi sa naganap na Traslacion at Fluvial Procession para sa Kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia kung saan ayon sa Naga City Joint Operations Center naging maayos at mapayapa ang kabuuang paggunita ng Kapistahan ng Mahal na Ina ng Peñafrancia na itinuturing na patron ng Bicol region.
Tema ng 2023 Peñafrancia Fiesta ang “Journeying with Inâ in deepening our relationship with God in these challenging times” na layuning paigtingin ang debosyon sa Mahal na Ina ng Peñafrancia bilang katuwang at kaagapay sa higit na paglapit sa Panginoon.