Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tularan ang katangiang taglay ng korona ni Maria, hamon ni Cardinal Tagle

SHARE THE TRUTH

 408 total views

Hinamon ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na tularan ang mga katangiang taglay ng korona ni Maria.

Ito ay kaugnay sa Canonical Coronation ng imahe ng Virgen De La Rosa sa Saints Peter and Paul Parish sa Makati, noong ika-16 ng Marso, 2019.

Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, inihalintulad nito sa tatlong katangian na kaligayahan, kababaang loob at pagiging abang lingkod, ang makikinang na brilyante sa korona ng Birheng Maria.

“CROWN OF JOY

Ayon kay Cardinal Tagle, taglay ni Maria ang kaligayahang nagmumula sa walang hanggang grasya ng Panginoon nang ibalita dito ng anghel na siya ang magiging ina ng tagapagligtas na si Hesus.

Ipinaliwanag ng Kardinal na ang Diyos ang tunay na pinagmumulan ng walang hanggang kaligayahan na dapat matutunan ng mga mananampalataya kay Maria.

Inihayag ng Kardinal na walang anumang materyal na bagay, o kayamanan ang maaaring makapantay sa kaligayahang madarama ng tao kapag ang Panginoon ay nananahan sa kanyang buhay.

“Grace is not a thing, grace is God Himself, the Lord is with you, if the Lord is with us then you are happy, you’ll experience the joy that the world cannot give. Mary’s crown reminds everyone to find joy in the presence of God in their lives. No other jewel could match or surpass God in once life.” Bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

“CROWN OF HUMILITY”

Inilarawan naman ni Cardinal Tagle ang kababaang loob na taglay ni Maria nang aminin nito ang kakulangan sa kakayahan na tuparin ang misyong ibinibigay ng Panginoon.

Iginiit ng Kardinal na sa kabila ng pagkakahirang bilang ina ng Diyos ay hindi nagbago ang pagiging mapagpakumbaba ni Maria at sa halip ay nanatili itong abang lingkod sa mga mahihirap.

Kabaliktaran dito ang ugali ng ilang mga tao na magkaroon lamang ng kaunting kapangyarihan ay nagiging mayabang at mataas ang pagtingin sa kanilang sarili.

Ayon sa Kardinal, hindi ganito ang korona ng Mahal na Birhen dahil bahagi ng katangian nito ang manatiling kapatid ng mga mahihirap at nangangailangan.

“Mary did not make use of her calling to separate herself from them, to forget them… The woman crowned as the mother of God is a humble woman whose heart beats with the helplessness, with the cries, with the pains of the humble people of every generation” Bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

“CROWN OF SERVANTHOOD”

Ipinamalas ng Mahal na Birhen ang pagiging abang lingkod ng Panginoon sa pamamagitan ng pagtalima sa Kan’yang mga utos.

Sinabi ni Cardinal Tagle, na bilang isang tagapaglingkod, hindi maaaring maging dalawa ang diyos na iyong pagsisilbihan.

Nilinaw nito na hindi maaaring paglingkuran ng tao ang salapi at ang Diyos ng sabay dahil ang paglilingkod ay nangangahulugang ibinibigay ng tao ang kan’yang sarili bilang pag-aari ng Panginoon.

“During the time of Jesus and Mary, to be a servant of someone means I belong to the one who I serve. More than work, it is about belongingness. To whom do I belong? And if I belong to the Lord, I will serve the Lord. No wonder Jesus will say, “You cannot serve both God and money.” Now, but if you belong to money, you will serve money, but if you belong to the Lord, you will serve the Lord. It is not just action it is about belonging, if I belong to the Lord, I will serve the Lord.” mensahe ni Cardinal Tagle

PAKIKIRAMAY SA MGA MUSLIM SA NEW ZEALAND

Sa kanyang homiliya, nagpahayag ng pakikiramay si Cardinal Tagle, bilang Presidente ng Caritas Internationalis sa mga nasaktan, mga nasawi, at naiwang pamilya ng mga biktima sa mass shooting sa dalawang mosque sa siyudad ng Christchurch sa New Zealand.

Ayon sa Kardinal, labis na nakalulungkot ang nagaganap na pang-uusig hindi lamang sa mga Kristiyano kun’di sa lahat ng mga nakikipag-isa sa Diyos.

Sinabi ni Cardinal Tagle na tulad ni Maria ay marahil nagtatanong din ang mga biktima kung bakit naganap ang marahas na pangyayari.

Gayunman, ipinaalala ng Arsobispo ng Archdiocese of Manila na sa kabila ng pag-aalinlangan ay mahalagang manatili ang pananalig ng bawat isa sa Panginoon.

“She is in communion with the many humble helpless people of her time and of all ages. She has united herself with people who almost say every day, “how can this be?”… We unite ourselves with our brothers and sisters in New Zealand, our brother and sister praying in the mosque, who were attacked at the moment of prayer and some of them now the survivors asking, how could this happen? When you are communing with God something contrary to God happens to you.” Pahayag ni Cardinal Tagle.

WEAR THE CROWN OF MARY

Kaugnay nito, hinimok ng Kardinal ang mga deboto ng Mahal na Virgen Dela Rosa at ang lahat ng mga mananampalataya na iwaksi ang katangian ng mga koronang hindi tulad nang kay Maria.

Tiniyak ng Kardinal na sa pamamagitan ng pagtulad sa mga katangian ng koronang ipinutong sa Mahal na Birhen ay matututunan ng mga tao ang pamamaraan ni Maria na tingnan ang kagandahan sa kabila ng pagtatakda ng mundo kung ano ang pangit.

“Finding beauty in what the world considers ugly. Mary stood at the foot of the cross of her Son, the Son crowned with thorns, an ugly site, but she stood there and found the mysterious beauty of crucified love… Where do we located beauty? Mary teaches us the way.” bahagi ng homiliya ni Cardinal Tagle

Taong 1718 nang dumating sa Pilipinas ang imahe ng mahal na Virgen Dela Rosa at nanahanan sa simbahan ng San Pedro de Macati.

Noong nakaraang 2018, ipinagdiwang ng simbahan ang ika-300 taong pananatili ng imahe sa ngayo’y tinatawag na Sts. Peter and Paul Parish.

Sa kasalukuyan, ang imahe ng mahal na Virgen Dela Rosa ang ika-41 imaheng nakatanggap ng Canonical Coronation sa Pilipinas.

READ: FULL TEXT OF THE HOMILY DURING THE CANONICAL CORONATION OF VIRGEN DELA ROSA

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Bagong mapa ng bansa

 33,547 total views

 33,547 total views Mga Kapanalig, may bagong opisyal na mapa ang Pilipinas. Dahil iyan sa pinirmahang batas ni Pangulong BBM na pinamagatang Philippine Maritime Zones Act. Ang mapang pinagtitibay ng batas na ito ay nakabatay sa mga pamantayan o standards na itinakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea (o UNCLOS). Ang UNCLOS

Read More »

Damay tayo sa eleksyon sa Amerika

 48,203 total views

 48,203 total views Mga Kapanalig, makasaysayan ang muling pagkakaluklok ni President-elect Donald Trump bilang pangulo ng Estados Unidos. Makasaysayan ito dahil maliban sa muli siyang inihalal, siya ang unang pangulo ng Amerika na may mahigit tatlumpung kaso; nahatulan siya sa isa sa mga ito. Siya rin ang presidenteng humarap sa dalawang impeachment cases noong una niyang

Read More »

Resilience at matibay na pananampalataya sa Panginoon

 58,318 total views

 58,318 total views Kapanalig, taglay at nanalaytay sa mga ugat nating Pilipino ang katangian ng pagiging resilience at may matatag na pananampalataya sa Panginoon. Ito ang nagbibigay ng pag-asa, bumubuhay sa ating mga Pilipino na tumayo at bumangon kahit dapang-dapa na, kahit lugmok na lugmok na. Nilugmok tayo ng husto ng bagyong Yolanda, 7.2 magnitude na

Read More »

Phishing, Smishing, Vishing

 67,895 total views

 67,895 total views Kapanalig, ikaw ba ay naghahanap ng “love online”? mag-ingat po sa paghahanap ng “wrong love” sa mga cybercriminal. Lumabas sa pag-aaral ng global information and insight company na TRANSUNION na ang Pilipinas po ang top targets ng online love scams. Ang PHISHING ay uri ng scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng emails at

Read More »

Veritas Editorial Writer Writes 30

 87,884 total views

 87,884 total views Kapanalig, sumakabilang buhay na ang isa sa “longtime”(matagal) na Radio Veritas editorial writer na si Lourdes “Didith” Mendoza Rivera noong ika-9 ng Nobyembre 2024. Tuluyang iginupo si “Didith” ng sakit na breast sa edad na 48-taong gulang. Naulila ni Mam Didith ang asawang si Florencio Rivera Jr., at dalawang anak na babae. Nagtapos

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Taong walang pananampalataya, hindi magkakamit ng kaligtasan

 61,855 total views

 61,855 total views Maringal na ipinagdiwang ng mananampalataya ang kapistahan ng mahal na birhen ng Santissimo Rosaryo La Naval de Manila sa kabila ng malakas na ulan at limitadong bilang ng maaaring makapasok sa simbahan noong ika-11 ng Oktubre 2020. Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng banal na misa sa National Shrine of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 61,638 total views

 61,638 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine of Mount Carmel, Broadway Avenue, New Manila, noong ika-15 ng Agosto sa gitna ng implementasyon ng Modified Enhanced Community Quarantine. Ito ay matapos igawad ng Santo Papa sa pamamagitan na

Read More »
Circular Letter
Veritas NewMedia

Circular Letter: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC

 61,634 total views

 61,634 total views Circular 2020 – 24 15 August 2020   TO: ALL CLERGY IN THE ARCHDIOCESE OF MANILA RE: ARCHDIOCESAN CHURCHES OF INTERCESSION DURING THE PANDEMIC   Dear Reverend Fathers: Greetings in the Lord! The parishes under the patronage of San Roque (Blumentritt, Pasay, Mandaluyong, Sampaloc) led by their pastors Reverend Fathers Antonio B. Navarete,

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

Joint Pastoral Message of CBCP ECS and ECCCE

 201,463 total views

 201,463 total views Lord What Must We Do? (Mark 10:17) Joint Pastoral Message on Covid19 to Teachers, Educators, Seminary Professors and Seminarians and the Catholic faithful at the opening of the school year Brothers and sisters in Christ: In the midst of the pandemic agitating us to restlessness and fear, we greet you “Peace be with

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese of Cubao: WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE

 195,609 total views

 195,609 total views Bishop’s Pastoral Letter on the Suspension Of Public Masses From Aug. 3-14. Diocese of Cubao August 2, 2020 WE LISTEN THAT WE MAY HAVE LIFE My dear people of God in the Diocese of Cubao, In recent days, we have seen the alarming and sustained increase of Covid-19 cases in the country. Most

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Patuloy na magtiwala sa Diyos, sa kabila ng Covid-19

 61,806 total views

 61,806 total views July 17, 2020-12:48pm Pinangunahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang pagdiriwang ng kapistahan ng Our Lady of Mount Carmel noong ika-16 ng Hulyo sa Project 6, Quezon City. Inilarawan ng Obispo ang kapistahan na hindi pangkaraniwan sapagkat ang lahat ay nakasuot ng facemask, at pinananatili ang social distancing sa lahat ng mga dumalo

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

70-taong anibersaryo, ipagdiriwang ng Immaculate Conception cathedral of Cubao

 61,705 total views

 61,705 total views July 16, 2020, 1:38PM Ipagdiriwang ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang ika-70 taong anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang parokya sa ika-15 ng Hulyo, sa gitna ng implementasyon ng General Community Quarantine sa Quezon City. Ang selebrasyon ay kasabay ng muling pagdaraos ng simbahan ng banal na misa kasama ang publiko. Ito ay

Read More »
CBCP
Veritas NewMedia

CBCP Circular RE: LITURGICAL GUIDELINES IN “NEW NORMAL” CONDITION

 148,304 total views

 148,304 total views RECOMMENDATIONS AND GUIDELINES FOR THE LITURGICAL CELEBRATION IN “NEW NORMAL” CONDITION We need the Lord – the Bread of Life – in the Holy Eucharist! The Holy Eucharist is central and essential to the life of the Church and to the life of each individual believer. It is in this context that we

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sangguniang Laiko: Statement of Affirmation and Appeal

 61,531 total views

 61,531 total views Statement of Affirmation and Appeal Goodness is an Overflow of God’s Goodness to Us! The Sangguniang Laiko ng Pilipinas affirms and congratulates the Inter-Agency Task Force for its hard work and effort in stemming the tide of the Pandemic Virus. We are highly cognizant of the measures it has implemented to address the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Vatican Decree in time of Covid-19 (II)

 51,553 total views

 51,553 total views DECREE In time of Covid-19(II) Considering the rapidly evolving situation of the Covid-19 pandemic and taking into account observations which have come from Episcopal Conferences, this Congregation now offers an update to the general indications and suggestionsalready given to Bishops in the preceding decree of 19 March 2020. Given that the date of

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Diocese ng Cubao, naglabas nang panuntunan sa pagdiriwang ng Mahal na Araw

 48,037 total views

 48,037 total views March 26, 2020-2:18pm Naglabas na ng guidelines ang Diyosesis ng Cubao kaugnay sa nalalapit na mga Mahal na Araw, habang patuloy na umiiral ang Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila dahil sa pandemic na Coronavirus Disease. Magiging simple ang lahat ng selebrasyon ng mga banal na misa at mananatili itong pribado, o hindi

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Banal na misa sa Diocese of Cubao, kanselado.

 48,045 total views

 48,045 total views Kanselado na ang mga banal na misa para sa publiko sa Diyosesis ng Cubao kaugnay sa patuloy na pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19. Sa liham pastoral ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco, inihayag nitong kinakailangang sundin ng simbahan ang Community Quarantine na ipatutupad ng pamahalaan. Simula bukas, araw ng Sabado, ika-14 ng Marso,

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Gawain sa Immaculate Conception cathedral of Cubao, suspendido ngayong kuwaresma.

 48,040 total views

 48,040 total views March 10, 2020, 10:41AM Pansamantalang ipagpapaliban ng Immaculate Conception Cathedral of Cubao ang mga gawain nito ngayong kuwaresma bilang bahagi ng pag-ingat sa paglaganap ng Corona Virus Disease sa bansa. Ayon kay Fr. Dennis Soriano, Rector at Parish priest ng katedral, napagpasyahan ng Parish Pastoral Council na ihinto muna ang Stations of the

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Talikdan ang kasalanang sumisira sa buhay ng tao.

 48,056 total views

 48,056 total views February 22, 2020 2:58PM Ito ang hamon ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco sa pagsisimula ng panahon ng kuwaresma ngayong Ash Wednesday. Ayon sa Obispo, ito ang hudyat ng mahaba at mahalagang paglalakbay ng mga mananampalataya para sa Paschal Triduum o ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo na pundasyon ng pananampalatayang

Read More »
Cultural
Veritas NewMedia

Sundin ang safety precautions sa COVID-19.

 47,888 total views

 47,888 total views Nagpaalala ang Obispo ng Diocese of Cubao sa mga simbahan at mananampalataya na gawin ang mga safety precautions na inilatag ng Catholic Bichops Conference of the Philippines laban sa banta ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 Ayon kay Bishop Honesto Ongtioco, hindi dapat ipagsawalang bahala ang banta sa kalusugan ng COVID-19 subalit hindi

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top